TORRENCE
"Kailangan nating makapaghanap ng masisilungan. Maya-maya lang ay lagas na ang mga dahon ng punong 'to dahil sa malakas na ulan. " pahayag ni Sky.
"Paano naman tayo makakahanap kung gan'to kasama ang panahon?" tanong ko.
"Kami..." sabay turo n'ya sa lalaking kasama ni Reina. "Kami na ang bahalang maghanap ng masisilungan natin. Dito lang kayong dalawa."
Tumango na lang ako dahil mas gugustuhin ko pang manatili dito kesa lumusong sa bagyo. Isinuot ko ang blazer na pinahiram sa akin ni Sky para mabawasan ang panlalamig ng katawan ko. Tagos sa buto ang malamig na ihip ng hangin at ulan.
Tanging kami na lang ngayon ni Reina ang magkasama. Siguro naman ay walang gumagalang tanga maliban kina Sky sa ganitong panahon para manghunting ng papatayin nila.
"Kung siniswerte ka nga naman Bro! Tingnan mo ang nakita kong magpapainit sa katawan natin. Tamang-tama para sa malamig at maulan na panahon." saad ng lalaking blonde na bigla na lang sumulpot sa harap namin ni Reina. Sumunod dito ang isang lalaking may bitbit ng baseball bat na parang kampon ni Satanas.
"Chicks pre!"
"Hahaha! Sinabi mo pa!" usapan ng dalawang TANGA! Kakasabi ko palang pero heto't may nagpakita na!
Napapaatras na lang kami ni Reina sa tuwing lalapit ang dalawa. "Easy babes. Hindi namin kayo sasaktan basta 't magpapakabait kayo at susundin ang gusto namin."
"BITAWAN MO NGA AKO!" sigaw ni Reina habang nagpupumiglas ng bigla s'yang hatakin ng lalaking blonde at yakapin.
Susugurin ko na sana ang blonde na lalaki ng may dumamping kamay sa bewang ko saka ako nito hinila at idinikit sa katawan n'ya. Automatic na nagsitayuan ang balahibo ko sa pandidiri na ikinainit ng ulo ko. Mabilis kong inuntog ang ulo ko sa ulo ng lalaki na dahilan para mamilipit ito sa sakit katulad ko.
Unti-unting tumulo ang dugo mula sa sugat ng noo ko. ANG SAKIT! Nabasag ata bunggo ko.
"Torrence! A-Ayos ka lang ba?" tanong ni Reina habang inaalalayan akong tumayo.
Mukha ba akong okay?!
Kahit hilong-hilo ako ay nakita ko ang pangingisay ng blonde na lalaki kanina.
"Kailangan na nating umalis." saad ni Reina. Tumango naman ako bilang pagsang-ayon sa kanya. Agad ako nitong inalalayang makatayo saka mabilis na naglakad palayo sa kaninang mga lalaki.
Napasigaw sa sakit si Reina ng marahas na hilahin ng isang lalaki ang buhok nito.
"I told you! Hindi namin kayo sasaktan kung magpapakabait kayo!" Asik ng lalaking may hawak Reina bago ito muling hilahin palayo sa akin.
Napaluhod na lang ako dahil sa biglang pag-ikot ng paningin ko. Swear! Hindi ko na uulitin ang makabasag bungong stant na 'yon. Ilang minuto ang hinintay ko bago ako tuluyang makatayo sa mga paa ko. Hindi ko alam kung saan nila hinila si Reina pero malilintikan talaga sila sa akin.
Saktong pagtayo ko ay ang kamay na biglang sumulpot sa balikat ko. Hindi na ako nagsayang ng oras, agad kong hinawakan ang braso nito at buong lakas itong ibinalibag.
"F*ck!" mura ng lalaki ng bumagsak ito sa harap ko.
"S-Sky?"
"Tomboy ka ba?!"
"Kasalanan mo! Bigla ka na lang kasing sumusulpot ng walang pasabi!"
"Sh*t! Muntik mo ng baliin ang braso ko."
"Tsk. Sige ituloy natin. Babaliin ko na rin ang kabila para pantay!"
"Ba’t parang ikaw pa ang galit?"
Napabuntong hininga na lang ako saka ako lumapit sa kanya para tulungan s'yang makatayo. Hindi ito ang oras para magtalo kami. Kailangan naming mahanap si Reina.
"Kung iniisip mo si Reina, kasama na s'ya ngayon ni Nathan. Ligtas na s'ya."
Nakahingan naman ako ng maluwag ng marinig ang balita n'ya. Salamat naman kung ganun.
Nagulat ako ng hawiin ni Sky ang buhok ko na nakaharang sa noo ko. "Anong nangyari sa noo mo?" kunot noong tanong n'ya.
Napaisip naman ako kung sasabihin ko ang kabaliwang ginawa ko. Hindi pa ako nakakasagot ng akbayan n'ya ako. "Halika na! May nahanap na rin kaming pwede nating masilungan."
***
PURPLE
"What? Natukoy n'yo na ba kung sino ang may pakana? Gumawa kaagad kayo ng aksyon bago pa 'yan lumala. Ayokong masira ang laro. Mga bata lang 'yan. Anong kinakatakot n'yo? Pupunta na ako d'yan."
"Dad, may problema ba?" tanong ko kay Dad na kanina pa hindi mapakali simula ng may tumawag sa kanya. It's already midnight pero trabaho pa rin ang inaatupag n'ya.
"Purple. Nagising ba kita? Look, I'm sorry. Bumalik ka na sa kwarto mo dahil may pasok ka pa bukas."
"Aalis na naman po ba kayo? Kakarating mo lang di ba?"
"Nagkaproblema kasi sa office at kailangan nila ako. Hope you understand, sweety."
Tumango lang ako at saka naglakad pabalik ng kwarto ko. By the way, I'm Purple Parker, 10 years old. Only child. My mother died 3 months ago kaya kami na lang ngayon ni Dad ang magkasama. But, I feel more like I'm alone. We used to be a perfect family pero simula ng mamatay si Mommy ay nagbago na ang buhay ko, nagbago na si Dad. Hindi naman s'ya ganito ka busy dati kahit may sarili s'yang kompanya. Lagi s'yang may oras sa amin ni Mommy. Lagi kaming nagbobonding at laging out of town para mamasyal pero ng mawala si mommy dahil sa cancer ay halos hindi na s'ya umuwi ng bahay.
Ilang linggo s'yang nawala dito sa bahay at wala pang ilang oras ay aalis na naman s'ya. I want to hate him but I can't. S'ya na lang ang meron ako pero kung patuloy n'yang ipaparamdam sa akin na si Mommy lang talaga ang minahal n'ya at hindi ako. I don't know if I can't keep my promise to my mom before she died. I promise na hindi ko papabayaan at patuloy na kung iintindihin si Dad because we only have each other.
"M-mom. P-please come back." I cried. Impossible. She will never come back. She's already dead.
Yinakap ko ang picture frame kung saan meron kaming larawan na buo at masaya noong nagcamping kami sa isla na pagmamay-ari ng pamilya namin.
Yes! The Island! Gusto kong bumalik dun!
***
Maaga akong gumising para i-prepare ang mga gamit na kakailanganin ko para sa pagpunta sa isla. I'm planning to stay there for 1 week. I think 1 week is enough para makalimutan ko pansamantala ang mga problema sa buhay ko.
I'm already 10 years old and I can take care of myself na.
My private jet plane kami kaya wala pang isang oras ay siguradong nandoon na ako.
"Miss, nagpaalam na po ba kayo sa Dad n'yo? Malilintikan ako nito kapag may nangyaring masama sa'n inyo sa isla." pahayag ng piloto.
Pinilit ko lang kasi s'yang ihatid ako kahit walang permission ni Dad. Sabi ko naman sa kanya na ako ng magpapaliwanag kay Dad.
"Walang mangyayaring masama sa akin sa isla. 1 week lang naman 'e." paninigurado ko sa kanya. Nginitian n'ya lang ako saka ginulo ang buhok ko.
"Sige. Basta't mag-iingat ka iha!"
I miss that Island. Peace and calm sea, fresh air, white sand and those tall tree. Hindi na ako makapaghintay na makarating ulit doon.
I'm going to be fine, right?
Katulad ng inaasahan ay wala pang isang oras ng makarating ako sa isla. Napakaganda talaga ng islang 'to. Huminga ako ng malalim para makalanghap ng sariwang hangin saka ako bumaga ng hangin.
I wish my Mom was here.
Napagpasyahan kong maglakad-lakad na muna. Maaga pa naman kaya mamaya ko na itatayo ang tent ko. Hindi nagpagawa si Daddy ng rest house dito sa isla dahil mas gusto n'yang magcamping sa labas. Kung itatanong n'yo kung nalibot ko na ang buong Island, my answer is hindi pa. Napakalaki ng islang 'to. Kapag pumupunta kami dito ay tatlong araw lang ang nilalagi namin. Kulang ang araw na 'yon para malibot ang buong isla kaya ngayong 1 week ako dito susubukan kong pasyalan ang bawat sulok ng islang 'to.
Habang naglalakad-lakad ako ay isang napakasamang amoy ang na langhap ko. Gusto ko maduwal dahil sa sangsang na amoy na dala ng hangin. Ipinagpatuloy ko ang paglalakad hanggang sa maaninag ko ang isang bagay na nakabitin sa isang puno. Dahan-dahan akong lumapit dito hanggang sa marealize ko kung ano iyon.
Isang naaagnas at inuuod ng katawan ng babae na nakabitin patiwarik.
Hindi ko mapigilang masuka dahil sa nakita ko. Napaiyak na lang ako habang tumatakbo palayo sa bangkay pero napatigil din ako sa pagtakbo ng marinig ko ang sigaw ng isang lalaki. Sinundan ko 'yon at tumambad sa' akin ang isang estudyanting lalaki na may hawak na itak habang hinihiwa ang balat ng isa pang lalaking nakatali sa puno.
What's happening?
Sino sila?
Bakit sila nandito?