PRESIDENT
"Na-identify na ba kung sinong lapastangan ang sumira ng ilang camera Isla?" tanong ko kay Thalia.
Pinapainit ng mga batang iyon ang ulo ko. Hindi pwedeng masira ang laro dahil kaakibat noon ang pagbagsak ng kompanya ko.
"Hindi pa namin natutukoy kung sino ito. Tanging ang larawan lang an ito ang nakuha ng isa sa camera." Tiningnan kong mabuti ang larawan ng nasa malaking monitor. Natatakpan ang mukha nito.
"Kung mapapansin n'yo ay sa east part ng isla sunod-sunod na nawala ang access natin sa ilang mga camera at ang may kagagawan nito ay hindi nakikitaan ng tracker. Wala itong tracker kaya nahirapan kaming kilalanin ang bata. Mukhang nadiskobre na nito kung paano alisin ang naka inplant na tracker sa katawan n'ya." paliwanag ni Thalia. "Magpapadala na ba ako ng mga tauhan sa isla?"
Napahilamos na lang ako ng mukha dahil sa matinding pagkadismaya. Ang naiisip ko na lang na paraan para hindi masira ang larong 'to ay ang tapusin ito. Kailangang matapos kaagad ang laro bago pa man ito sirain ng rebeldeng batang 'yon.
"Ipatawag mo ang lahat ng miyembro ng committe." Pahayag ko bago tuluyang lumabas ng kwarto.
Halos isang buwan na ng magsimula ang laro kaya sa tingin ko'y dapat na itong ilagay sa entense na katapusan.
EMILY
Gamit ang dulo ng shotgun ko ay isa-isa kong hinampas ang mga camera na nakikita ko. Sayang ang bala ko kung babarilin ko pa ito isa-isa. Sa dami ng camera sa islang 'to ay tiyak na kulang ang dalawang bag ng bala na dala ko.
Sinigurado kong bago gawin ang planong 'to ay tinakpan ko muna ng mabuti ang mukha ko. Ang dating hanggang bewang ko 'ring buhok ay ngayo'y hanggang tenga na lang. At isa pa sa mga pinakaimportanting gawin para hindi ako makilala ay ang pagtanggal sa tracker na nasa loob ng katawan ko. Isang maliit na chip ang nakainplant sa likod ng leeg ng mga kalahok. Kung hindi magiging maiingat ang paghiwang gagawin mo sa likurang leeg ay baka ibang ugat ang madale mo na s'yang ikamatay mo kaagad. Kahit risky ay sinubukan ko pa ring tanggalin ang tracker. Naging matagumpay 'yon kaya nagagawa ko ng kalabanin ngayon ang committee. Kailangan kong maging maingat dahil kapag natukoy nila ang katauhan ko ay siguradong buhay ko ang magiging kapalit. Alam ko kung gaano kaimportante ang larong 'to para sa mga milyonaryong may pakana nito.
Dahil sa pesting larong ito ay naging instant mamamatay tao ako. Hindi nila alam ang trauma na naibibigay sa amin kapag dumanak na ang dugo mula sa mga kamay namin. Ilang gabi akong hindi nakatulog dahil sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko ay mukha ng taong napatay ko ang kaagad na nakikita ko. Kung hindi ako naging matatag ng mga oras na 'yon ay baka ako na mismo ang tumapos sa buhay ko.
Magbabayad ang mga demonyong 'yon! Nakapatay na rin lang ako ba’t hindi ko pa lubos-lubusin. Kapag naging successful ang plano kong pagtakas dito ay uunahin kong papatayin ang mga taong nasa likod ng larong 'to. Isa-isa kong ibabaon sa mga ulo nila ang bala ng shotgun ko.
Siguradong naga-apoy na sa galit ang mga walang kuwentang mayayamang iyon.
Patikim palang iyan sa pagsira ko sa laro.
RED
Napalingon ako kay Stanley na tulog na tulog pa rin sa tabi ko. Mag-iisang linggo na kaming nandito sa kwebang pinagtataguan namin. Matapos kaming pagbabarilin ng gabing 'yon ay malubhang natamaan si Stanley sa balikat at kaliwang hita n'ya. Kinailangan kong alisin ang bumaon na bala sa katawan n'ya ng gabing iyon. Naging maayos naman ang lahat kahit sobrang kabado ako habang nakikita ko ang dugong dumadaloy sa sugat n'ya lalo na ng hiwain ko ang laman n'ya para makuha ang mga bala.
Sa ngayon ay maayos na ang lagay n'ya. Kailangan na lang n'yang pagalingin ang mga sugat na natamo n'ya bago kami samabak sa labas ng kwebang 'to.
Ipinaliwanag sa akin ni Stanley kung ano ang nakita ko ng gabing iyon. Sabi n'ya ay mga body bag daw ang dala ng mga nakamen in black ng gabing 'yon na naglalaman ng mga bangkay.
Napaisip tuloy ako. Ilan na lang kaya kaming natitirang buhay sa islang 'to?
ISANG mahinang hagulgol ang narinig ko paglabas ko ng kweba. Gusto kong sundan ang ingay na 'yon pero may parte sa akin na ayokong may mangyari na namang masama dahil sa pesteng kuryusidad kong 'to. Pilit kong ininda ang iyak na naririnig pero hindi rin nagtagal ay napagdesisyonan kong tingnan saglit ang pinagmumulan ng iyak. Huminga ako ng malalim bago silipin ang natutulog na si Stanley. "Mabilis lang 'to. Promise." bulong ko.
Maya-maya ay isang batang babae ang natagpuan kong nakaupo sa damuhan habang yakap-yakap ang dalawang binti at nakabaon ang mukha nito. Hindi muna ako lumapit sa kanya dahil baka patibong at palabas lang ang nakikita ko pero sa nakikita ko ngayon ay parang hindi high schooler ang bata-g 'to.
"H-Hi?" panimula ko.
Agad itong napalingon sa akin. Kitang-kita ko sa mata nito ang takot ng makita ako. Dalawang hakbang palang ang nagagawa ko ng takot na takot itong napatayo pero agad din itong bumagsak dahil sa panginginig ng tuhod nito saka dali-daling gumapang palayo sa akin.
"P-Please d-don't hurt m-me!" iyak nito.
"Hindi kita sasaktan. I promise! You can trust me."
Mabilis akong lumapit sa kanya saka ito yinakap ng mahigpit. "Sshh. Tahan na." saad ko habang inaalo ito. Ilang minuto palang ang kakalipas ng mapansin kong nakatulog na pala ito. Inayos ko ang buhok nito na humaharang sa mukha n'ya para makita ko ang kabuoang itsura nito. Mistisang bata.
Ipinosisyon ko ang bata sa likuran ko para buhatin ito. Magaan lang ito kaya hindi ako nahirapan sa pagbubuhat sa kanya. Naglalakad na ako pabalik ng kweba ng makasalubong ko si Stanley. Napangiti na lang ako ng pilit ng mapansin ko ang seryoso nitong mukha habang nakatitig sa akin bago ilipat ang tingin nito sa buhat-buhat kong bata.
Lumapit s'ya sa akin saka kinurot ang isa kong pisngi. "Kanina pa kita hinahanap! Saan ka ba nagsususuot-suot!" bulyaw n'ya.
"Aray!" Reklamo ko. Hindi ko naman magawang alisin ang kamay nito dahil sa hawak ako.
"Alam mo bang pinag-alala mo ako! Ikaw talagang babae ka hindi ka na nadala." sermon n'ya sa akin na parang tatay ko.
Natouch ako. Nag-aalala pala sa akin ang mokong!
"S-Sorry." mahinang saad ko.
"Tsk. Magpapaliwanag ka pa sa akin." pahayag nito ng dumapo ulit ang mga mata nito sa hawak kong bata. Kukunin n'ya na sana sa akin ang bata ng mabilis ko itong iiwas sa kanya. "Ako na!" baka kung ano pa ang mangyari sa balikat n'ya. Dagdag alalahanin na naman ng konsensya ko 'yon.
Ipinasok ko sa kuweba ang bata at ihiniga ito ng maayos.
"Simulan mo na ang pagpapaliwag." seryosong pahayag ni Stanley. 'Bat ba ko kinakabahan sa tuwing nagseseryoso ang lalaking 'to.
Napabuntong hininga na lang ako saka humarap sa kanya. "Hindi ko pweding pabayaan ng mag-isa ang batang 'yan 'dun."
"Tsk. Paano kung paraan n'ya lang 'yon para madali s'yang makakuha ng papatayin. 'Yan ang mahirap sayo, ang bilis mong magtiwala."
"Bata lang yan!" depensa ko pero mas lalo lang sumama ang tingin n'ya sa akin.
"Bata? Looks can be deceiving Red. Nasa kalagitnaan tayo ng laro at lahat ay gustong manatiling buhay. Kahit anong strategy ay gagawin nila maipanalo lang ang laro. This is a death game, Red. Do not put your trust to anyone to quickly kahit mukhang nakakaawa pa 'yan."
Alam kong nag-aalala lang s'ya dahil sa sitwasyon namin ngayon pero hindi ko lang talaga masikmurang iwan na lang ang batang 'to ng mag-isa.