Chapter 14 - Traitor

1383 Words
EUNICE "Azer! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo!" sigaw ko habang nakatutok ang kutsilyo ko sa leeg n'ya. I can't believe this! Akala ko mapagkakatiwalaan s'ya. Akala ko kaibigan namin s'ya. Akala ko kusang loob ang pagtulong n'ya pero lahat ng 'yon ay isang matinding pagbabalat kayo lang pala. This guy is a psycho! He lust for blood. Kitang-kita ko kung paano n'ya dinilaan ang dugo sa kamay n'ya habang nakangisi na parang demonyo. I want to stab him right now pero hindi ko magawa dahil tanging si Asher lang ang laman ng utak ko. Nakahandusay s'ya ngayon at walang malay habang duguan ang bandang noo nito. Umalis lang ako sandali para kumuha ng halamang gamot pero ano itong bubungad sa akin? A traitor! "I'm bored." Bored?! Sumama lang ba s'ya sa amin para sa ikai-excite ng buhay n'ya at kapag wala ng thrill ay kami naman ang gagawin n'yang pangpalipas oras? I won't hesitate to kill this bastard! "I'm bored. Simula ng naging mahina si Asher ay na stuck na tayo rito sa pesteng lugar na 'to and it's been a week. Almost a week na akong hindi nakakakita ng dugo. I'm thirsty and I want blood!" nakangising pahayag nito. May lahi ba s'yang bampira? Pwes kung gusto n'yang makakita ng maraming dugo ay ako mismo ang gagawa ako ng malaking hiwa sa katawan n'ya at sisiguraduhin kong bubulwak ang dugong hinahanap n'ya na s'yang ikamamatay n'ya. "I have no choice Eunice. Mas mahalaga ang ikasasaya ko kesa sa mga buhay ninyo. Alam mo ba ang gusto kong mangyari ngayon?" tanong nito sa akin. "I want to chop your body saka ko itatali sa bawat puno rito sa isla ang iba't ibang parte ng katawan mo. Isn't it excitinng?" bigla akong kinilabutan sa mga sinabi n'ya. May tama nga sa utak ang isang 'to. "Ba’t bigla ka atang namutla? Are you scared? Don't worry. Dahan-dahan lang ang gagawin kong paghiwa sa makinis mong balat." saka nito dinilaan ang nanunuyo nitong labi. Napaatras na lang ako dahil sa bigla n'yang paghakbang papalapit sa akin. This guy is creeping me out! Pinulot nito ang sibat ni Asher kaya mabilis kong binunot ang isa ko pang kutsilyo na nakatago sa kaliwa kong binti para sanggain ang gagawin nitong pagatake. Napapaatras na lang ako dahil sa malakas na pagwasiwas nito sa sibat ni Asher. Tsk. Determinado talaga s'yang patayin ako. "Masyado mong pinapahirapan ang sarili mo. Bakit hindi ka na lang lumuhod sa harapan ko at ako na bahala sa paraan ng pagtapos ko sa buhay mo para naman makapagpahinga ka na." Halos maligo na ako sa sobrang pawis dahil sa kapaguran. Pareho kaming hingal na hingal at sugatan pero sa ekspresyon ng lalaking 'to sa harap ko ay enjoy na enjoy s'ya sa mga nangyayari. "Ang saya hindi ba?" "Tss." usal ko na lang. "Nakakatawa ka. Kung ako sayo ay hindi na ako magsasayang ng lakas dahil wala rin naman patutunguhan ang buhay mo kundi kamatayan!" sabi nito habang naglalakad papunta sa kinatatayuan ko. Para bang biglang nagslow motion ang lahat ng akmang ihahampas n'ya na sa akin ang sibat na hawak n'ya. Sa puntong kahit anong gawin kong pagatras ay siguradong hindi ko na maiiwasan ang hiwang idudulot nito sa katawan ko pero bago pa man dumampi ang talim ng sibat sa katawan ko ay mabilis akongnapaupo sa lupa ng mapatid ako. Nakita ko rin ang pagkagulat sa mukha ni Azer. Hindi rin nito inaasahan ang aksidenting pagkakaupo ko para makaligtas sa atake n'ya. Plano n'ya na sanang itarak ang sibat sa akin pero mabilis kong inihagis sa mukha nito ang lupang nahawakan ko na dahilan para magkandarapa s'yang alisin ang dumi sa mata n'ya. Hindi na ako nagsayang ng oras. Mabilis kong isinaksak sa leeg n'ya ang isa kong kutsilyo. "P-pa-anong. Tccchh!" Usal nito na ikinalawak ng ngisi ko. "Hindi pa ako tapos." Umupo ako sa harap n'ya saka ko ipinakita ang kutsilyo kong may bahid ng dugo n'ya. Walang pag-aalinlangan kong ibinaon sa tiyan n'ya ang kutsilyong hawak ko. Napasigaw ito ng paikutin ko ang kutsilyo sa laman n'ya "Ganyan kasakit ang pagtatraydor na ginawa mo sa' amin. Tsk. Sayang ka Azer. Sayang!" Dalawa pang saksak ang natanggap n'ya na ibinaon ko sa dibdib niya. Wala na akong planong buhayin ang traydor na 'to. Nang makita ang naghihingalong katawan nito ay tumayo na ako para lumapit sa walang malay na si Asher. "Hoy! Buhay ka pa ba?" tanong ko habang yinuyugyog ang balikat ni Asher. Knock out ang gago. TORRENCE "Mabuti pang magpahinga na muna tayo. Mahaba-haba na rin kasi ang nalakad natin." mungkahi ni Sky kaya kanya-kanya kaming salampak sa lupa para magpahinga maliban kay Reina. "Hmm. May titingnan lang ako sa banda 'run." paalam nito. "May problema ba si Reina?" tanong ko kay Nathan ng mapansin ang pagkabalisa ni Reina. Imbis na sagutin ako ay nagkibit balikat lang ito saka tumayo at naglakad sa direksyon pinuntahan ni Reina. "Saan pupuntan ang mga 'yon?" tanong sa akin ni Sky at kagaya ng ginawa ni Nathan ay nagkibit balikat na lang din ako. Napatittig ako sa napakalaking puno na nasa harapan ko. Napaisip ako bigla, kaya kayang akyatin 'to ni Red? Malamang oo dahil taong unggoy ang isang 'yon. Tumayo ako saka lumapit sa puno. "Anong ginagawa mo?" tanong ni Sky. "Ano sa tingin mo?" nakikita n'ya naman siguro ang ginagawa ko. Minsan talaga ang slow din nitong si Sky. Alam na magtatanong pa. "Hoy Babae! Bumaba ka nga d'yan!" suway nito sa akin. Pero imbis na pakinggan ito ay nagpatuloy lang ako sa pag-akyat. Siguradong maganda ang view ng buong isla kung sa taas ako pupwesto. Pagkalipas ng ilang minuto ay naakyat ko na ang pinakamataas na parte ng puno. Naupo ako sa isang sanga saka lumanghap ng sariwang hangin pero muntik na ako mapabitaw ng may biglang nagsalita sa likod ko mabuti na lang talaga at magaling ako magbalanse dahil kung hindi kanina pa ako lumagapak pababa. "Nice view." saad ni Sky. Hindi ko man lang s'ya napansin habang umaakyat. "Badtrip 'to. 'Wag ka ngang bigla-biglang sumusulpot!" "Tss." Inirapan ko na lang s'ya saka ibinalik ang atensyon ko sa isla. Naramdaman ko naman tumabi s'ya sa akin kaya pinabayaan ko na lang. "Napapansin mo bang parang..." Huminga ako ng malalim saka napatingala. "Parang ano?" tanong ni Sky. "Parang may mali..." "Ano bang ibigmong sabihin? Nagugu----" "Hindi!" Pagputol ko sa kanya. "Naisip ko lang na ilang araw na tayong paikot-ikot sa islang 'to. 'Ni hindi natin alam ang pupuntahan at gagawin. Parang sinasayang lang natin ang oras at buhay natin. Wala tayong direksyon." "Napansin mo rin pala. So what's the plan?" "Hindi ko rin alam." sagot ko habang malayo ang tingin. Ano bang dapat naming gawin? Mahirap gumawa ng plano lalo na't napaka-komplekado ng sitwasyon namin. Isang maling plano, isang maling galaw ay kapalit 'nun ang buhay namin. Ayokong may magbuwis ng buhay dahil sa isang pagkakamali. "Mas mabuti ng pumusta kesa maupo at maghintay sa wala. Alam ko ang inisip mo Torrence, hindi mo maaalis na matakot sa pwedeng kalabasan ng magiging plano natin. Pweding may mamatay na isa sa' atin pero atleast sinubukan at naging matapang tayo sa huli." "Anong plano mo?" tanong ko kay Sky pero seryoso n'ya lang akong tinitigan saka ulit umiwas ng tingin. "Ikaw...anong plano mo?" balik n'yang tanong. "Anong gusto mong mangyari?" dagdag pa n'ya. Ano bang gusto kong mangyari? Alam ko sa sarili ko na may gusto akong simulan at gawin pero natatakot ako. "Hay. Ano bang pinoproblema mo? Kung iniisip mong mamamatay kami pwes nagkakamali ka. Tsk. tsk. May pagkaduwag ka rin pala?" Tsk. At nagawa n'ya pang mang-inis. Pasalamat s'ya at iniisip ko pa ang kapakanan ng buhay n'ya dahil kung hindi ay ako na mismo ang tumapos sa kanya. Naagaw ang atensyon naming dalawa ng mahagip ng mga mata namin ang pamilyar na dal' wang lalaki hindi kalayuan mula sa kinaroroonan namin. Hindi pupwedeng magcross ulit ang mga landas namin. Ayokong maulit na naman ang dating nangyari na halos ikawala ng ulo ko dahil sa katana ng hinayupak na 'yon. Napalunok na lang ako ng laway ng makita ang ekspresyon ni Sky ng lingunin ko ito. Nakakatakot ang mga mata n'ya. Ngayon ko lang s'ya nakitang gan'to kaseryoso na kulang na lang ata ay umapoy ang mga mata nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD