Chapter 15 - Trust me

1411 Words
TORRRENCE "Stay here." utos ni Sky na ikinagulantang ko. "Ayoko." asik ko. Ayokong umupo lang dito sa taas ng puno at walang gawin habang ang mga kaibigan ko ay nasa panganib. Nakalampas kami sa mata ng may katana at sa kasama nito pero papunta naman ang mga ito sa direksyon nina Reina at Nathan. "Bat ba ang tigas ng ulo mo!?" inis na saad ni Sky. "You'll come with me but in one condition." "Ano?" "Hindi mo haharapin ang hinayupak na 'yon. Magtatago ka lang!" "Leche ka! At sino ka para sundin ko?" Ang pinakaayaw ko pa naman sa lahat y 'yong dinidiktahan ang gagawin ko. "Don't let me repeat myself again Torrence." Napalunok na lang ako ng laway ng makita ang pagtalim ng mga mata nito. Hinawakan nito ang ibabang baba ko at iniangat ito dahilan para magtama ang mga mata naming dalawa. "Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko kapag sinuway mo ulit ako." Bumaba ang mata nito sa katawan ko saka ito ngumisi na parang demonyo. REINA "Dapat ko bang sabihin?" bulong ko sa sarili ko. "May karapatan silang malaman but what if magalit silang lahat sa' akin? Maiintindihan nama- AY PALAKANG BUNTIS! Nathan! Ba’t ka ba bigla na lang sumusulpot!" "Sinong kausap mo?" kunot noong tanong nito. Umiling lang ako saka umiwas ng tingin. Sasabihin ko na ba? "May gusto ka bang sabihin?" hindi naman big deal 'tong sekreto ko, I guess? Kaya hindi dapat ako matakot sa magiging reaksyon nila at isa pa kaibigan ko sila kaya maiintindihan nila ako. "Stop biting your nails." suway ni Nathan. Sa sobrang pag-iisip ko ay hindi ko na namalayang kinakagat ko na pala ang koko. Tungkol ang sekreto ko sa laro. Simula ng malaman ko accidentally ang tungkol dito sa game ay parang lagi akong kinokonsensya ng konsensya ko. Bago pa man magsimula ang larong 'to ay alam ko ng mangyayari 'to. Ang masama pa ay wala akong ginawa para mapigilan 'to. Feeling ko tuloy ako ang may kasalanan kung bakit kailangang may mamatay. Ang bigat sa pakiramdam dahil hindi ko masabi sa kanila ang sekretong 'yon. Natatakpot akong sisihin nila ako. "Nathan, may idea ka ba kung bakit ka ipinadala sa islang 'to?" "Wala." tipid nitong sagot. "As in wala? Wala ka bang ginawang ikinagalit ng may-ari ng school na pinapasukan mo? Don't g-get me wrong ah pe---" natigil ako sa pagsasalita ng bigla n'yang ilapit sa mukha ko ang mukha n'ya na halos ikaduling ko na. "Now your judging me because of my looks. How rude." then he smirks. "H-hindi naman s-sa ganun." nauutal kong pahayag. Sino ba namang hindi mauutal sa sobrang lapit n'ya sa akin. "Let me ask you the same thing, may idea ka ba kung bakit ka pinadala sa islang 'to." Ba’t nga ba? Nang mamatay ang kapatid ko ay binuhay ko ang katauhan n'ya gamit ang katawan ko. I gave up everything para pagbayaran ang kasalan ko sa kanya. Nabanggit noon sa akin ni Reina na gusto n'yang naging student council president. Tumakbo ako bilang presidente at nanalo. Naging maayos ang pagpapatakbo ko pero hindi ko alam na may mga estudyante palang ayaw sa akin at patalikod akong kinakalaban dahil sa pagiging istrikto ko. Kahit ang mga guro ay hindi ko pinalampas, walang exemption sa akin. 'yon ang nakikita kong dahilan kung bakit ako nandidito ngayon. "Sabihin na lang nating ako ang kinaaayawan ng lahat sa paaralang pinapasukan ko." "Looks can really be deceiving." pahayag ni Nathan. "Can I kiss you?" tanong nito na ikinagulat ko. Akmang magsasalita na sana ako ng biglang dumampi ang labi nito sa labi ko. Ilang segundo rin ang itinagal 'nun bago nito bawiin ang labi sa akin. "P-Puntahan k-ko lang sina T-Torrence." nauutal kong paalam kay Nathan saka ako tumakbo palayo sa kanya. Hawak ang labi ko ay hindi ko mapigilan ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Bakit n'ya 'yon ginawa? Pinagtitripan ba ako ng lalaking 'yon? "Sa wakas! It's a babe!" sigaw ng isang lalaki na abot tenga ang ngiti habang nakatitig sa akin. Mabilis akong napaalerto ng sumalubong sa akin ang dalawang lalaki. "What's with the face babe? Hindi ka ba masayang nakasalubong mo ang mga gwapong tulad namin?" mayabang na pahayag ng isa habang itinataas-baba ang kilay n'ya. Hahawakan n'ya na sana ang pisngi ko pero bago pa man dumikit ang madumi n'yang kamay ay tinapik ko na iyon palayo. Mas lalo akong napaatras ng makita ko ang inilabas na katana ng kasama nito saka ito itinapat sa dibdib ko. "Wooo! Easy bro. Ngayon na nga lang tayo nakakita ng magandang babae tapos papatayin mo pa? Bro naman!" Nanlaki ang mga mata ko ng mabilis na hiwain ng lalaki ang blouse ko dahilan para tumambad sa kanila ang upper part ng katawan ko. Napasigaw na lang ako sabay takip ng katawan ko gamit ang mga kamay ko. Naramdaman kong may humila sa bewang ko at namalayan ko na lang na yakap-yakap na ako ni Nathan. "Wear this." Ipinatong nito sa balikat ko ang blazer n'ya. "Nice bro. Ikaw ah. Manyak ka rin pala. Kaya lang may nangialam." baling ng lalaki kay Nathan. "Ba’t hindi mo na lang sa amin ibigay ang babae para naman makaalis ka ng buhay sa kinatatayuan mo ngayon." Isang pilyong ngiti ang gumuhit sa labi ni Nathan. Kinakabahan ako kay Nathan. Hindi ko alam ang tumatakbo sa isip nito ngayon. "Mukhang mapipilitan kaming agawin sayo ang babae. Tsk. Alam mo kasi dude ilang linggo na kaming hindi nakakatikim ng katawan ng babae kaya nga talagang sabik na sabik kami ng makita s'ya." sabay turo nila sa akin. "Kung hindi ka makikipag-cooperate ay wala kaming choice kundi patayin ka. Ang mga tulad mong sagabal ay dapat itinutumba." "Nate. Wala tayong laban sa kanila. Sa sandata palang na meron sila ay taob na tayo." bulong ko kay Nathan. Hinawakan naman ako nito sa ulo saka n'ya inilapit ang mukha n'ya sa mukha ko at seryosong nakipagtitigan sa akin. "Kung ibigay na lang kaya kita sa kanila." sabi n'ya na syang ikinagulat ko. "H-Hindi mo 'yon magagawa." "I'm serious. Damn serious! Sino ka para protektahan ko. Hindi ka ganun ka importante para ibuwis ko ang buhay ko." Ba’t ang sakit pakinggan ang mga salitang 'yon mula sa kanya. He's just joking Reina. 'Wag kang magpapadala sa mga sinasabi n'ya. Trust him. "N-nagbibiro ka lang 'di ba?" Isang ekspresyong ayaw na ayaw kong nakikita sa mukha n'ya. Isang ngiti ng demonyo ang gumuhit sa labi n'ya na dahilan para itulak ko ito ng malakas palayo sa akin. "Hahahaha! At kailan pa ko nakipagbiruan sayo?" tanong nito sa akin. Sana ay isa lang 'to sa mga palabas n'ya. "Ayon! Madali ka naman pala kausap 'pre!" tuwang-tuwang sabi ng lalaki. "Bring her to me." Bawat paghakbang n'ya papalapit sa akin ay s'ya 'ring paghakbang ko papalayo sa kanya. Hindi s'ya ang Nathaniel na nakilala ko. Kanina lang ay secured ako dahil nasa tabi ko s'ya pero ngayon ay napalitan ng takot at kaba ang pakiramdam ko kapag lumalapit s'ya. "Your’re shaking." "The kiss. Joke lang din ba 'yon?" matapang kong tanong sa kanya kahit deep inside ay nadudurog na ang puso ko dahil sa ikinikilos ni Nathan. Naramdaman ko na lang na wala na akong maatrasan dahil sa malaking puno na nasa likuran ko. Nagulat ako ng biglang n'yang suntukin ang katawan ng puno sa ng gilid ng leeg ko. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko when he gave me a reassuring smile. Tumango lang ako sa kanya saka ko pinunasan ang basa kong pisngi. This is not the time to weep. Kailangan ako ni Nathan kaya hindi dapat ako maging pabigat. "Anong plano?" tanong ko. "Run." bulong nito. "E, a-ano?" Run? As in takbo? Is that even a plan? "Reina, run." Mabilis kong sinunod si Nathan pero agad din akong napatigil ng lumabas ang napakakapal na usok sa paligid. Saan naman 'to galing? "Reina!" Tawag ng isang pamilyar na boses. "Skyler!" "Hanapin mo si Torrence at lumayo na kayo rito." pahayag nito. "Si Nat---" "Mamaya lang ay mawawala na ang epekto ng smoke bomb. Kami ng bahala ni Nathan sa dalawa at pagkakataon n'yo 'yon para makatakas." "B-but--" "Don't worry. Babalik kami." "Take care." "We will." Tumango lang ako saka nagsimulang tumakbo sa direksyon na itinuro ni Skyler papunta kay Torrence. Lagi naman akong tumatakbo sa ganitong sitwasyon pero ba’t ngayon lang ako nakaramdam ng ganito? 'yong pakiramdam na gusto ko silang balikan pero wala naman akong magagawa para matulungan sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD