Chapter 16 - Reunited

1797 Words
TORRENCE "Anong ginagawa mo?" takang tanong ni Reina. Hinahalungkat ko ngayon ang dala kong itim na bag. Ito ang ibinigay sa akin ni Red noon. Nabanggit ko na ba kung anong sandata ang laman nito? "Found it!" "Ano naman yan?" "Ang pag-asa natin!" saka ko binuksan ang pahabang kahon na naglalaman ng sinasabi kong pag-asa namin ngayon. Para itong maliit na tubong gawa sa kawayan. Kasing laki ng straw, 9 inches ang haba at maglalaman ng tatlong karayom na may lason. Hindi ko pa ito nagagamit kaya hindi ko alam kung anong epekto nito sa tao. Kailangan mo lang itong itutok sa target mo saka mo iihipan para lumabas ang karayom na babaon sa katawan ng target. "B-ba’t ganyan ka makatitig?" kunot noong tanong ni Reina. Hindi ako asintado kaya si Reina ang gagamit nito. "Ito at ikaw ang pag-asa nina Sky at Nathan. They need you Reina. Alam kong sisiw lang 'to sayo. Just hit the target!" Makipagsapakan na ako one on one 'wag lang akong gumamit ng ganitong sandata. Wala akong talent sa paggamit ng mga ganitong bagay. Confident naman akong magagawa ni Reina ng maayos ang paggamit nito dahil katulad ko ay ayaw din nitong mapahamak sina Sky at Nathan. I trust her. "First thing first, we need a plan. Hindi tayo pupwedeng sumugod sa giyera ng walang plano lalo pa't limitado lang ang meron tayong bala." pahayag ko. "I agree. So, any idea kung paano natin sila maiisahan?" tanong ni Reina kaya parehas kami napaisip. "Kailangan natin ng tamang timing at tamang distansya para siguradong mahi-hit mo ang target." "Ayos na sa akin ang five to six meter na distansya pero kailangang hindi gumagalaw sa kinatatayuan nila ang target...pero paano?" pahayag ni Reina habang pinag-aaralan nito ang paghawak sa hawak n'ya. Kitang-kita namin ngayon ang nangyayaring labanan sa pagitan ng apat. Kulang na lang ata ay sumayad ang panga namin ni Reina dahil sa nakikita namin. Unbelievable! Ang bibilis ng bawat kilos nila, para lang kaming nanonood ng action movie sa galing nila sa pakikipaglaban. "Amazing!" manghang pahayag ni Reina. "Sinabi mo pa." "Teka, Rence." "I know. Hindi tayo pwedeng manuod na lang dito at maghintay na may mangyaring masama sa dalawa." Kahit napakabilis ni na Skyler ay makikitang nahihirapan itong kalabanin ang dalawa. Hindi sapat ang hawak nilang sandata para matalo ang mga dalawawa. "Hoy! Anong binabalak mo?" tarantang tanong ni Reina ng makita nitong tumayo ako. Hindi ko alam kung gagana 'tong naisip kong plano pero kailangan naming subukan. "Ito na ang pangalawang pagkakataon na makakaharap ko ang dalawang damuhong 'yon. Excited na akong mahulog sila sa patibong natin Reina kaya galingan mo." Napahawak ako sa peklat na nasa leeg ko. Ito ang iniwan ng samurai na iyon kaya oras ko naman para gumanti. SKYLER "Yan lang ba ang kaya n'yo? Eh wala naman pala kayong binatbat. Tsk." pagmamayabang ni Julius. Sarap basagin ng bungo ng lalaki na 'to. Ganyan lang naman 'yan dahil sa hawak n'yang baril. Mabilis itong lumapit sa akin saka ako binigyan ng isang malakas na suntok sa mukha. Gumanti ako ng suntok, hindi lang isa kundi tatlo pero gamit ang hawak n'yang pistol ay nagawa n'ya akong hampasin nito. Napangiwi na lang ako ng mahawakan ko ang malaking hiwa sa gilid ng kanang kilay ko. Ramdam ko ang unti-unting pagdaloy ng dugo galing sa sugat. Naagaw ang atensyon ko ng biglang bumagsak si Nathan sa tabi ko. Hawak-hawak nito ang tiyan na puno na ng dugo. "Badtrip! Hoy, Nate buhay ka pa?" "Tch." usal nito sabay dura ng dugo. "Oh! Ano na? Hahaha! Mga wala pala kayo. Tsk. Mabuti pa Romeo ikaw ng tumapos sa dalawang 'to sayang lang ng bala ko sa kanila. Nakakawalang gana 'e. Mahina!" Nagawa pang makatayo ni Nathan pero kitang-kita na nanghihina na ito. Wala na ako ibang pagpipilian, kailangan ko ng gamitin ang huli kong smoke bomb pero kahit gamitin ko ito ay paniguradong gagawa pa rin ng hakbang ang samurai na 'to para mapatay kami. Isang wasiwas lang ng katana n'ya ay mahahagip kami nito lalo pa't ilang metro lang ang layo nito sa amin. Ang masama pa pareho kaming sugatan si Nathan kaya mahihirapan talaga kaming tumakas. Handa na ang samurai sa pagsugod sa amin at handa na rin akong gamitin ang bomba ko nang umeksena ang babaing 'di ko inaasahang susuway sa akin. "Wait!" Ang tigas talaga ng ulo ng babaeng 'to! "Woo. Ikaw na naman!?" tuwang-tuwa saad ng gagong Julius na 'to ng makita si Torrence. TORRENCE Hindi ko magawang matitigan si Skyler. Sa gilid palang ng mata ko ay kitang-kita ko na ang naga-apoy nitong mata habang nakabaling sa akin. "Hindi ko inaasahang makikita pa kita rito. Humihinga ka pa pala? Akala ko ay patay ka na." "Tss." Paano ako mamamatay agad 'e masamang damu ata 'to. "Let me guess." at saka n'ya itinutok ang baril n'ya sa direksyon nina Skyler. Kasama mo ang dalawang 'to, tama ba?" Hindi ako magpapakabayani ng gan'to kung hindi ko kilala sina Skyler. Napasimangot na lang ako. Hay! Nasaan ba ang utak ng isang 'to. "Tsk. Naputulan ka ba ng dila at hindi ka makapagsalita.” dali-dali itong naglakad papalapit sa akin. Hinablot nito ang buhok ko saka itinutok sa baba ko ang nguso ng baril n'ya. "Hahaha! Maganda ka sana 'e," saka n'ya ibinaba ang tingin sa katawan ko. Ang sarap tusukin ng tinidor ang mata ng m******s na 'to. "...kaya lang masyado kang matigas." dugtong nito. Mas lalo n'yang hinigpitan ang pagkakasabunot sa akin. Imbis na mapangiwi ako sa sakit dahil sa ginagawa n'ya ay isang ngisi ang gumuhit sa labi ko ng makita si Reina. "Gotcha." nakangiti kong bulong sa kanya. "A-anong--" gulat na saad nito. Kinapa nito ang leeg n'ya saka may binunot na mahabang karayom mula roon. Napaluhod ito sa harap ko kasabay ng paglabas ng madaming dugo sa bibig at mata nito. "Reina!" mabilis kong sigaw. Kumaripas ito ng takbo ng makita ang samurai na mabilis na tumatakbo papunta sa direksyon n'ya. Napatay na namin ang isa pero may isa pang problema. Mukhang mahihirapan kami sa samurai na 'yon. Susundan ko na sana si Reina at ang samurai nang mapansin kong handa na 'ring sumugod sina Skyler at Nathan. "Ako ng bahala kay Reina. Sky gamutin mo ang sugat ni Nathan. Parehas kayong sugatan kaya 'wag ng matigas ang ulo kung gusto n'yo pang mabuhay!" maawrotidad kong asik sa dalawa. RED Saan naman kaya pumunta ang dalawang 'yon? Naidlip lang ako sandali tapos paggising ko ay hindi ko na mahagilap sina Stanley at Purple. Pinulot ko ang isang maliit na kahoy saka ko ginamit panghawi sa mahahabang damu na humaharang sa dinadaanan ko. "Ang ganda nito kuya. I'm sure ate would love this." "Talaga? Hehehe. Sana nga." "Wait! Dagdagan pa natin ng flower." Sinundan ko kung saan nagmula ang tawanan ng dalawa. Ano naman kayang pinagkakaabalahan nila at hindi man lang ako isinali. Grabe! Nakakatampo lang. "Ehemm!" usal ko kaya parehas silang napalingon sa akin. "Ate!" agad na lumapit sa akin si Purple saka ako mahigpit na yinakap. Napansin kong biglang nataranta si Stanley at mabilis na itinago sa likod ang hawak nitong kung ano. "Hoy! Naiihi ka ba?" kunot noong tanong kay Purple ng mapansing para itong kiti-kiti. "Ehhhh. Ate naman." "E anong problema mo?" "Kuya Stanley. Give it to her na! Bilis!" Ito namang si Stanley 'e parang hindi alam ang gagawin. "Alis muna ako. Take your time. Ayieee!!" biglang tili ni Purple. Napabuntong hininga na lang ako saka ko ulit nilingon si Stanley. "May sasabihin ka ba?" "W-wala." sabay iwas n'ya ng tingin sa akin. Aalis na sana ako ng bigla n'yang hawaka ang braso ko. "Meron pala." pagbawi nito. "Here." May ipinatong ito sa ulo. "Ginawa naming 'yan ni Purple para sayo. Hope you like it." Kinuha ko ang inilagay n'ya sa ulo ko at nakitang koronang gawa sa bulaklak pala ang ibinigay n'ya. Hindi man ganun kaganda ang pagkakagawa nila ay alam kong pinaghirapan nila 'to para sa akin. "S-Salamat." Kinuha ni Stanley sa kamay ko ang koronang bulaklak saka n'ya ulit ito inilagay sa ulo. "Bagay na bagay sa pulang buhok mo. You look beautiful." nakangiting pahayag nito. Mabilis kong tinalikuran si Stanley dahil sa pag-init ng mukha ko. "Bat namumu----" hindi na naituloy ni Stanley ang sanang sasabihin nito ng marinig namin ang malakas na sigaw ni Purple. Parehas kaming nagkatinginan ni Stanley saka dali-daling tumakbo para hanapin ito. "Purple!" Nanginginig ito na parang takot na takot habang nakaupo't yakap-yakap ang binti n'ya at humahagulgol. Ganito rin s'ya ng unang beses ko itong nakita. "Purple. Anong nangyari?" tanong ko habang hinihimas-himas ang likod nito. Hindi ito sumagot bagkus ay tinuro nito sa' amin ang isang direksyon. Agad kong pinuntahan ang sinasabi nitong lugar at doon ko nakita ang pagmumukha ng lalaking aayawan mo talagang makita lalo na ang napakahaba at napakatalim nitong katana. May bahid ng dugo ang katana nito. Kaharap n'ya ang isang babae habang hawak ang duguang nitong braso. Nagulat ako ng bigla na lang dumating ang isang babaing matagal ko ng hinahanap. Torrence! Lalabas na sana ako sa likod ng punong pinagtataguan ko ng hawakan ni Stanley ang balikat ko. "Padalos-dalos ka na naman ." bulong ni Stanley na may bahid ng pagkainis sa tono ng pananalita nito. "Si Torrence." Isang kalaban ang naghiwalay at nagtagpo sa' amin ni Torrence. Kailangang may gawin ako. TORRENCE "Kung ako sayo ay ibaba ko na lang ang armas ko. Ayaw mo naman sigurong mabutas ang bungo mo, hindi ba?" banta ko kay samurai habang nakatutok ang hawak kong baril sa kanya. Bago ko iwanan sila Skyler kanina ay kinuha ko ang silver pistol ng lalaking napatay ni Reina. Napakalaki ng tulong nito para mapatumba namin ang samurai na' to. Pero ang tanong, kaya ko bang kalabitin ang gantilyo? Hindi ko akalaing darating ako sa puntong kailangan kong pumatay. Impyerno na talaga ang bagsak ko nito. Hindi ito ang oras para magdal'wang isip akong patayin ang mas demonyo pa sa akin. May sugat sa kanang braso si Reina at hindi n'ya na ring magawang makatakbo dahil bangin na ang nasa likuran n'ya. Ibinaon ni Samurai ang katana n'ya sa lupa saka humagalpak ng tawa. "Akala mo ba ay matatakot mo ako dahil sa hawak mong baril? 'Pwes mag-isip ka ulit dahil baka ikaw ang bumagsak sa kinatatayuan mo." sersoyo nitong pahayag saka mabilis na binunot ang katana n'ya para atakihin ako. Bago ko pa kalabitin ang gatilyo ng baril ko ay isang napakalakas na pagsabog ang gumimbal sa amin. Halos mayanig ang lupang kinatatayuan namin dahil sa malakas na pagsabog. Idagdag pa ang pagdilim na paligid dahil sa pinaghalong usok at buhanging nakapalibot sa akin ngayon. "Ahhhh!" narinig kong sigaw ni Reina. "Reina!" Sigaw ko. Narinig ko ang pagbitak ng lupa malapit sa kinatatayuan ko. Si Reina!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD