PRESIDENT
"M-Maawa po kayo. H-hindi ko po t-talaga a-alam n--" hindi ko na pinatapos ang pagsasalita ng pilotong nasa harap ko bagkus ay kinalabit ko ang gatilyo ng hawak kong baril.
Tatlong putok ng baril ang umalingaw-ngaw sa loob ng bahay ko na s'yang ikinamatay ng pilotong naghatid sa anak ko sa isla.
Marahas akong napahilamos ng mukha. Mahigit isang linggo na palang hindi nakakabalik ang anak ko at ang masama pa ay nasa isla s'ya ngayon. Kung hindi pa ako umuwi ay hindi ko pa malalaman.
Kanina lang ay inutusan ko ang mga tauhan kong pasabugin ang ilang parte ng isla bilang parusa sa mga bata dahil sa ginawa nilang pagsira sa halos lahat na camerang nasa isla. At ngayon nga ay pinagsisisihan ko ang nagawa kong desisyon. Nasa isla ang anak ko at wala akong kasiguraduhan kong buhay o patay na s'ya sa mga oras na ito.
***
Pagpasok ko palang ng kwarto ay masasamang tingin na ang agad na bumungad sa akin. Hindi ko sila masisisi. Sa mga lumipas na linggo ay madaming problema ang ibinigay ng mga batang iyon sa akin na aberya rin sa parte ng mayayamang 'to.
"Mr. Parker. Hindi na namin nagugustuhan ang mga nangyayari sa laro. Mahigit isang linggo na kaming walang balita sa loob ng isla. Siguro naman ay may maganda kang dahilan sa mga nangyayari." mahinahong pahayag ni Mr. Gomez.
"Ipapaalala ko lang sayo, Mr. Parker. Napakalaking pera ang inivest namin sa kompanya mo. Itong laro na nga lang ang pangbawi mo sa pagligtas namin sa kompanya mo 'e hindi mo pa maayos-ayos." inis na pahayag ng isa.
"At ano naman itong narinig kong may limang malalakas na pagsabog daw na naganap kanina sa isla?" tanong ni Mr. Dee.
"Limang pagsabog? Oh my Ghad! Tell me Mr. Parker. Patay na ba ang pambato ko?!" pagpapanic na tanong ni Mrs. Em.
"Didiretsuhin ko na kayo, hindi na naaayon sa plano ang mga nangyayari sa isla kaya minumungkahi kong baguhin ang laro." panimula ko na nagpakunot ng mga noo nila.
"W-what!?"
"Mrs. M. Hayaan mo muna s'yang magsalita." pahayag ni Mr. Gomez.
"Tulad nga ng sinabi ko ay gusto kong baguhin ang laro. Sa ngayon meron na lang tayong labing anim na kalahok sa loob at sa laki ng isla ay halos hindi na nagko-cross ang mga landas nila dahilan para mawala ang ganda ng laro. Isa pang rason, nasira na ang death game dahil sa relasyong pumipigil sa kanila na pumatay."
"Sang-ayon ako sa sinabi mo." tumatangong pagsang-ayon ni Mr. Dee. "Kung ganun ay anong plano mo Mr. Parker?"
"Siguraduhin mo lang na maganda 'yang bagong larong imumungkahi mo, Mr. Parker. Tama na ang isang pagkakamaling nagawa mo, hindi ba?" mataray na pahayag ni Mrs. Gina.
"Sisiguraduhin kong magiging sulit at mabubusog ang mga mata n'yo sa isang linggong panunuod n'yo sa mga mangyayari sa isla. Mayroon na lang silang isang linggo sa isla at kung sino-sino man ang matitirang buhay sa huling araw ng linggo ay s'yang tatanghaling panalo." Paliwanag ko. "Mahigit isang linggo kayong walang balita sa mga nangyari sa loob ng isla at sa mga batang pambato n'yo dahil sa sunod-sunod na pagkasira ng mga surveillance camera. Sa ngayon ay hindi pa rin matukoy kung sino ang may pakana nito kaya naman papapasukin ko ang mga tauhan ko sa isla bitbit ang armas at camera para masubaybayan n'yo ang mga kaganapan sa loob. At isa pa, ang mga tauhan ko na mismo ang tatapos sa buhay ng mga batang iyon sa loob ng isang linggo. Dito magsisimula ang tunay na palabas, isang madugong palabas. Sabihin na lang natin na ito na ang final round sa larong ito. My men v.s your player. Ano sa tingin n'yo?"
"I like your idea." saad ni Mr. Jhay.
"Hmm. Exciting." saad naman ni Mrs. Em.
"So, kailan mo balak simulan ang laro?" tanong ni Mrs. Gina.
"The day after tomorrow."
"It's settled then!"
TORRENCE
Hindi maipinta ang itsura ngayon ni Skyler. Hindi ko s'ya masisisi dahil kung ako ang nasa posisyon n'ya ay baka masipa ko na ng wala sa oras si Red. Kasalukuyan kasing tinatahi ni Red ang hiwa sa kanang kilay n'ya ng WALANG ANESTHESIA. Hindi kasi katulad kay Nathan ay wala itong malay ng tahiin ni Red ang sugat nito sa bandang tiyan.
"Oh ayan, tapos na." deklara ni Red. Parang nakahinga naman ng maluwag si Sky ng marinig 'yon pero bigla na lang akong napalunok at pinagpawisan ng malamig dahil sa ngiti n'yang nakakaloko ng magtama ang mga mata namin.
Nyeta!
"P-puntahan ko muna si Reina at Nathan." paalam ko saka mabilis na naglakad palayo. Kailangan kong makalayo kay Sky. Parang delikado kung lalapit ako sa kanya ngayon.
"Samahan na kita Torrence." habol sa akin ni Red. "Hoy! Ayos ka lang ba?" tanong ni Red.
"O-Oo!" Pagsisinungaling ko. "Reina!" tawag ko sa pangaln nito saka dali-daling lumapit sa kinaroroonan nito ng makitang gising na ito. Halos dalawang oras din itong nakatulog.
"Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong ko rito.
"T-Torrence..." hagulgol ni Reina saka mahigpit na yumakap sa akin. Ramdam ko ang panginginig ng buo n'yang katawan. Ramdam ko ang takot na hanggang ngayon ay dala-dala n'ya pa.
"Sshh. Ligtas ka na." pag-aalo ko kay Reina.
Lumipas ang ilang minuto ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ulit si Reina habang nakayakap sa akin. Tinulungan ako ni Red para ihiga si Reina ng maayos.
"Kamusta s'ya?" tanong ko kay Red matapos n'yang icheck ang lagay ni Reina. May alam kasi si Red pagdating sa panggagamot kaya pasalamat ako dahil dumating s'ya lalo na ng iligtas n'ya sa kamatayan si Reina.
"Wala kang dapat na ipag-alala. Maayos na ang lagay n'ya. Hayaan lang muna natin s'yang magpahinga."
"Salamat Red."
"Ang laki na talaga ng ipinagbago mo. Hahaha." sabay hampas ni Red sa balikat ko saka ito tumawa ng malakas.
"Nang-aasar ka ba?"
"Hahaha. Parang ganun na nga! Hindi ka na kasi katulad ng dati. Tell me, dahil ba 'yan kay Skyler? Bwahaha. Ikaw ha!" hindi na lang ako sumagot bagkus ay inirapan ko na lang ito. Bwisit 'tong babaing 'to!
"Ayie! Payakap nga!" sabay talon n'ya at yumakap sa akin na parang bata. Aish!
"Tae! Ang bigat mo!" reklamo ko. "Nasaan na pala si Stanley at 'yong batang kasama mo." tanong ko.
"Oo nga 'no. Mamaya na lang ulit tayo magkwentuhan. Hahanapin ko lang muna ang dalawa 'yon." paalam nito. "Puntahan mo na rin kaya si Sky baka na bo-bored na 'yon dun!" pahabol na sigaw nito bago patakbong umalis.
Babantayan ko na lang si Reina.
RED
Saan na naman kaya pumunta ang dalawang 'yon. Pangalawang beses na 'tong pinaghanap nila ako. Tsk.
Naalala ko bigla 'yong koronang bulaklak na gawa nila Stanley...nawawala.
"Red!" pagtawag sa akin ni Stanley kaya napalingon ako sa gawi nito.
"Nasaan nga pala si Purple?" tanong ko.
"Kasama s'ya ngayon ni Skyler." sagot nito. "Kamusta nga pala ang kaliwang braso mo?" tanong nito na ikinakunot ng noo ko.
"Ha? Okay naman. Wala namang problema sa braso ko. "
"Talaga lang ah..."
Napangiwi ako ng bigla n'yang hilahin ang braso ko. "Alam mo bang halatang-halata ka kapag nagsisinungaling ka."
"Plano mo bang baliin ang braso ko!" asik ko kay Stanley. Alam n'ya naman palang may problema sa kaliwang braso ko, nagawa n'ya pang hilahin.
"Nagagawa mong gamutin ang iba samantalang 'yang sarili mo ay hindi mo maasikaso." pahayag nito kaya napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya. "Dahil ba 'to sa pagligtas mo sa babaing 'yon?"
Tumango lang ako bilang sagot sa tanong ni Stanley pero hindi ko inaasahan ang ginawa nitong pagyakap sa akin.
"Pwede bang ingatan mo ang sarili mo. Hindi ko makakayanin kapag may mangyaring masama sayo. " bulong n'ya na nagpalukso ng puso ko.