Chapter 18 - Red Card

1611 Words
STANLEY "Hindi ko gusto ang pulang card na 'to." seryosong saad ni Skyler habang hawak ang red card. "Isang warning. Mukhang may maduming plano na naman ang mga matatandang 'yon. Tsk." A 7 days of agony DEATH will come. They'll kill, rip you apart. But in the END of the row, Try to remain alive. -DGC 7 days...End of the row... "Anong mangyayari sa loob ng isang linggo?" "Mukhang plano na nilang tapusin ang laro." seryosong pahayag ni Skyler. "Saan mo nakuha ang card na 'to? "Kasama sa laman na ipinadalang pagkain ng DGC." sagot ko. "Sasabihin ba natin 'to sa kanila?" "Wag muna." "Sang-ayon ako. Ayoko ng dagdagan pa ang alalahanin at takot na--" napatigil ako sa pagsasalita ng may magsalita mula sa likuran ko. "Bakit kailangan n'yo pang itago? Malalaman din nila 'yan sa huli." pahayag ng isang lalaki. Kung hindi ako nagkakamali ay Nathan ang pangalan nito. "Mabuti naman at buhay ka pa Nathan." saad ni Skyler. "Kanina ka pa ba nakikinig sa usapan namin ni Stanley." tanong ni Sky. "Oo. At sa mga narinig ko ay mukhang hindi maganda ang mga mangyayari sa mga susunod na araw." seryosong pahayag ni Nathan. TORRENCE "Anong problema ng mga 'yan?" Kunot noong tanong ko ng mapansin ang mga kakaibang ikinikilos ng tatlong lalaki ng kasama namin. "Napansin mo rin pala." saad ni Reina. "Baka pinagpaplanuhan na nila kung paano nila tayo papatayin." walang ganang pahayag ni Red sabay hikab. Sinamaan ko naman s'ya ng tingin. Hindi 'yon magandang biro. "Joke lang!" bawi ni Red. "Ate, kuya Stanley won't do that because he loves you." pahayag naman ni Purple. Humagalpak ako ng tawa dahil sa pamumula ng mukha ni Red. Luma-love life na pala ang babaeng 'to. Mabilis na napalitan ng pangingilabot ang tawa ko ng may demonyong bigla na lang bumulong at umihip sa tenga ko. "Ang saya natin ah." bulong n'ya. Dali-dali naman akong napatayo at lumayo kay Sky. "Sali kami! Anong meron?" energitic, as always na tanong ni Stanley. "Kuya Stanley, I told Ate Red that you love her. Hehehe." Naubo bigla si Red habang si Stanley ay napakamot na lang ng batok. "Purple." saway ni Red sa bata. "But I'm telling the truth ate." nakangusong pahayag ni Purple. "Maya-maya lang ay aalis na tayo rito. Ihanda n'yo na ang mga kailangan n'yong dalhin." paglilihis ni Nathan sa usapan. "Pero hindi pa magaling ang sugat mo 'di ba?" alalang pahayag ni Reina. "P-Purple, 'di ba sabi mo naiihi ka? Halika, samahan na kita." "Opo." pagsang-ayon nito. Ang awkward ng mga pinag-uusapan nila. Sibat na muna ako. "Ate, do you like kuya Sky?" tanong ni Purple. Ano bang meron sa batang 'to at ang daming alam sa romance. "Don't say bad words." "Ha? Wala namang bad words sa mga sinabi ko." "Meron, hindi mo lang napansin." "Kuya Skyler is handsome, right ate?" "I said, don't say bad words." "I don't remember saying bad words. I think your deaf, Ate." depensa nito. "Hahaha. You’re so funny, Ate. That’s why kuya Sky likes you." "Shut up kid." REINA "Ate Reina." tawag sa akin ni Purple saka ito naupo sa tabi ko. Hanggang ngayon ay nahihiwagaan pa rin ako sa pagdating ng batang 'to rito sa isla. Base kasi sa mga kwento ni Red ay hindi maipagkakailang napadpad lang ang batang 'to rito. Pero papaano? Kapag kasi tinatanong ito ni Red ay bigla na lang daw itong iiyak. Dala na rin siguro ng matinding trauma. "Hi." "Okay ka lang ba ate? You look sad kasi." "Hmm. Oo naman. Bakit naman hindi." "You know what ate, I really like your name. Ang unique kasi." "T-Talaga?" "Hmm. Bagay na bagay po sayo." Isang mapait na ngiti ang gumuhit sa labi ko. Masaya akong nagustuhan n'ya ang pangalan ng kapatid ko pero kahit kailan ay hindi bumagay ang pangalang 'yon sa akin. Kung tutuusin ay isa akong impostor na magtatago sa likod ng pangalan ng kapatid ko. "Ate did I say something to make you upset?" nag-aalalang tanong ni Purple kaya mabilis akong napalingon dito. "H-hindi. Okay lang ako." pagsisinungaling ko. "I'm sorry. I'm sorry. " saka s'ya yumuko ng ilang beses. Naalala ko tuloy sa kanya si Miyuki. B-buhay pa kaya s'ya? "A-ate..." "May naalala lang ako bigla." "Sino po?" "Si Miyuki." "Sino po s'ya?" curious n'yang tanong. "P-pero ayos lang kung ayaw n'yong sagutin." "Hindi ko lang mapigilang maalala sayo si Miyuki at Reina." "Ang gulo n'yo ate. Diba po kayo si Reina?" Nadulas ang dila ko 'run ah "Naku-curious po tuloy ako sa buhay n'yo." "Hindi naman maganda ang kwento ng buhay ko...pero may sekreto akong gustong sabihin sayo. Can you keep a secret?" "Yes! Promise I won't tell anyone." Humarap ako sa kanya saka ko iniabot ang kamay ko. "My real name is Reiya, Reiya Villanueva." "Reiya?" "Then who's Reina?" "Sister ko pero patay na s'ya." "Sorry." "Ayos lang." nakangiting pahayag ko. Ito ang unang beses na sabihin ko ang sekreto ko sa iba. "Ate Reiya, nice to meet you, by the way I'm Purple...Purple Parker." pagpapakilala nito. Parker? Naalala ko na. Isang Parker ang nagmamay-ari sa islang kanalalagyan namin ngayon. Flashback Aksidente kong narinig ang plano patungkol sa laro ng pumunta ako sa opisina ng direktor ng Monica Esreal Academy na pinapasukan. Madalas ako sa opisina na 'yon para ireport ang mga nangyayari sa loob ng paaralan. Bago ko pa man mabuksan ang pinto ng office ni Mr. Dee, ang direktor ay isang sigaw ang narinig ko mula sa loob. "you're insane! Isasakripisyo mo ang buhay ng istudyante natin para lang sa pera?" sigaw ng asawa nito. "Kung hindi ko 'to gagawin ay baka sa susunod na taon ay ipasara na ang iskwelahang 'to. Alam mo namang napakahalaga sa akin ng paaralang ito kaya gagawin ko ang lahat para hindi ito mawala sa akin!" "Hindi mo ba talaga naiintindihan! Buhay ang pinag-uusapan dito!" asik ng babae. "Alam ko! at wala akong pakialam!" "D-Demonyo ka." "Nakapili na ako ng isang istudyante na ipapasok ko sa isla. Bukas na bukas din ay ipapadala ko na kay Mr. Parker ang impormasyong kailangan n'ya tungkol sa istudyanteng napili ko at pati na rin ang kontrata." "Mr. Parker?" sambit ng babae. "S'ya ang may-ari ng isla kung saan gaganapin ang laro. S'ya rin ang magiging partner ko sa negosyo at sa pamamagitan n'ya ay maililigtas ko ang paaralang 'to." Nang araw na 'yon ay nangalap ako ng impormasyon tungkol sa larong pinag-usapan ng mag-asawang Dee. Palihim ko ring pinasok ang opisina ni Mr. Dee para sa impormasyong kakailanganin ko. Nakita ko ang listahan ng mga paaralan na sasali at ang mga pangalan ng lahat ng kalahok na ipapasok sa laro. *** "Parker." pabulong na sambit ko. "Purple, paano ka nga pala napadpad dito sa isla?" tanong ko. Nakita ko ang panginginig ng labi ni Purple bago ito umiwas ng tingin sa akin. "Purple, hinahanap kana ni Red." Napalingon ako sa lalaking nagsalita sa likuran namin at nakita ang seryosong mukha ni Nathan. Dali-dali tumayo si Purple at nagtatakbo paalis. Akmang susundan ko na sana ito para humingi ng paumanhin ng harangin ako ni Nathan. "M-May kailangan ka ba?" tanong ko ng hindi tumitingin sa mata n'ya. "Reiya." sambit nito dahilan para mabilis kong ipako ang tingin ko rito. Kanina pa ba s'ya nakikinig? Ilang minuto kaming binalot ng katahimikan pero nabasag din 'yon ng umalingaw-ngaw sa buong paligid ang ingay ng mga helicopter. Napakapit ako kay Nathan dahil sa matinding takot ng makita ang mga nakamen in black na tumatalon pababa ng sinasakyan nitong helicopter bitbit ang malalaki nitong armas. EMILY 's**t!' Ubos ko na ang limang magazine ng bala pero parang hindi man lang nabawasan ang mga nakamen in black sa sobrang dami nito. Kahit pagod na pagod ay pinilit ko na umalis sa kasalukuyang lokasyon ko. Wala ng matatawag na ligtas na lugar dito dahil sa dami ng nakakalat na demoyo. Natigil ako sa paglalakad ng makarinig ako ng malakas na sigaw hindi kalayuan sa kinatatayuan ko. Sa kuryusidad ko ay sinundan ko ang sigaw at doon ko nakita ang apat na mga nakamen in black bihag ang dalawang lalaki. "Hahaha. Malas n'yo lang mga bata dahil dito na magtatapos ang mga buhay n'yo." "Hayop kayo! Pakawalan n'yo kami!" palag ng lalaking may hawak na baseball bat pero hinablot 'yon ng nakamen in black saka ito inihampas sa tiyan n'ya. Agad na namilipit sa sakit ang lalaki. Maya-maya ay may inilabas na baril ang isa saka ito itinutok sa lalaking blonde ang buhok. "Ba’t hindi ka man lang kumikibo ha blonde boy?" "Pakialam mo." "Ha? May sinasabi ka?! "P*tangi-----" Tuluyang kinalabit ng nakamen in black ang gatilyo ng hawak nitong baril dahilan para bumaon ang bala sa bungo ng blondeng lalaki. " Ba’t pinatay mo kaagad? Mas masaya sana kung pinahirapan muna natin bago pinatay." "Eh ginalit ako 'e. Meron pa namang isa oh." "Sige. Ibitay ng patiwarik ang batang 'yan." Agad namang sinunod ng tatlo nitong kasamahan ang utos ng mukhang leader ng grupo. Mabilis kong ikinasa ang baril ko saka itinutok sa ulo ng parang leader nila ang nguso ng shotgun ko. Once in a blue moon ko lang 'to gagawin na pagtulong ko kaya utang ng lalaking 'to ang buhay n'ya sa akin. Isang bala ang kaagad na nagpatumba sa leader nila na ikinagulat ng tatlo. Bago pa man nila ako paputukan ng baril ay nagawa ko na silang patumbahin isa-isa. Agad akong lumapit sa mga nakahandusay na bangkay saka ko kinuha ang mga armas na meron sila. "Miss, salamat talaga. P-pero pwede mo ba akong tulungang bumaba? Hehehe." Sinamaan ko lang s'ya ng tingin saka ko iniabot sa kanya ang dagger na nakuha ko sa mga nakamen in black.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD