Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan kung ano ang kailangan sa akin ng lalaking iyon. I don’t really know him. Simula nang pamansin ko siyang panay ang tingin sa akin ay tila naglakas loob siyang lapitan ako at ngayon ay ipinagpipilitan pang ako ang Veronica-ng kilala niya. “You know what, Mr. Pakialamero, kayang-kaya kitang ipatalsik dito. Huwag mo na akong badtrip-in pa at kanina ka pa,” pagbabanta ni Meisha. Hindi naman tumalima ang lalaki. Ni ang balingan si Meisha para lang sana e-acknowledge na narinig niya ang tinuran ng kaibigan ko ay hindi nangyari. Prente lang itong nakatayo habang may hawak na dalawang paper bag. “Ako na ang nagsasabi. Get out of here. I don’t know you so you better leave us alone.” “Paulit-ulit ka na, Veron, pero hindi ako maniniwala sa ‘yo. Hin

