CHAPTER 47

1051 Words

Magkakrus ang aking mga braso habang pinapanood si Casper. Iwas na iwas siyang tumingin sa akin kaya hindi niya magawa ng maayos ang kan’yang pagluluto. Ilang beses siyang napapaso dahil kung hindi sosobra sa pagbaba ang kamay niya ay nawawala siya sa sarili at nahahawakan ang gilid ng pan. Hindi na ulit siya umimik pa matapos ang huling sinabi kanina. Hindi na rin ako nag-abala pang pabulaanan iyon dahil halata namang ayaw niya talagang pag-usapan ngayon. Mukhang maiipon lang nang maiipon ang lahat ng katanungan ko. “Ako na lang kaya ang kumilos, babe?” Pinagkadiinan ko pa ang huling salita at nakita ko naman ang pagnguso niya. Mukha namang nabigla lang din siya sa natawag sa akin kanina dahil talagang hindi na siya tumingin sa aking mga mata. Nailang siya at bahagyang nataranta sa gi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD