“Talaga po?!” Tila na-excite pa ang mga bata nang marinig ang sagot ko. Hindi ko naman maiwasang mangiti dahil kahit papaano ay medyo nasasanay sila na hindi lahat ng lalaki ay may gagawin sa kanila. Siguro nagtiwala na lang din sila sa akin na wala naman akong gagawin sa kanila dahil kaibigan ako ng kanilang Nami. Well, thank God na gano’n ang iniisip nila. Wala naman talaga akong gagawing masama sa mga batang ‘to at nakakatuwa lang na nakagaanan ko rin sila ng loob. “Of course, babies! Mabait ang lalaking ‘yon kahit dalawang beses na niya akong tinakasan,” natawa pa ako para hindi nila mahalatang medyo nagdadamdam pa rin ako. Nakita ko ang pagngiti nila mula sa rear view mirror marahil ay hindi na naintindihan pa ang ibang sinabi ko. Bata pa naman sila para maunawaan ang mga ganoong

