Napangisi ako at bago pa niya makuha ang helmet niya ay inunahan ko na. Pinayuko ko siya at mariin naman ang tingin niya sa akin nang ako na rin ang naglagay ng helmet sa kan’yang ulo. Kagat-kagat ko ang labi ko para mapigilang ngumisi ng malaki. “Calm down, Casper. Bumabawi lang ako,” malokong ani ko nang mapanood ang paglunok niya. Wala pa rin naman siyang reaksiyon habang binabagalan ko ang kilos ko. Hindi ko pa rin nakakabit ang lock ng helmet niya dahil natutuwa ako masyado sa lapit naming dalawa. Hindi ko alam kung pinagbibigyan niya lang ako o ano. Para mas maabot ko siya ay inilagay niya ang kan’yang mga kamay sa likuran ko at sa hita ko. Tumaas ang sulok ng kan’yang labi nang makitang nanlaki ang mga mata ko. “You know how to flirt na, ha?” Namamanghang sabi ko at napangisi n

