[Oh, dear, bakit hindi mo man lang maalala ang boses ko? I already sent you that voice before you got into an accident.] Hindi ko alam kung kailangan ko na bang makahinga ng maluwag dahil normal na boses na ang narinig ko, ngunit dahil sa huli nitong sinabi ay nakuha na niya ang buo kong atensiyon. Kung makapagsalita naman ito ay parang matagal ko na siyang kilala. Ngayon ko pa nga lang narinig ang maarteng boses niya, eh.” “Oh? Sino ka ba?” Matabang kong tanong. Narinig ko ang maarteng tawa niya na parang hindi rin paniniwalaan na hindi ko siya kilala. [Come on, Veronica! Ang lame na ng gan’yang excuses na porket na-accident ka ay makakalimot ka na. Ang galing mo ring umarte no?] “Hoy, gaga ka! Kung kilala lang kita baka matagal na kitang nabutakan diyan. Napakaarte mo na nga kung

