Siguro nga hindi lang gusto ang nararamdaman ko para kay Casper. Mahirap pangalanan nang agad-agad ang matinding damdamin ko sa kan’ya, ngunit alam ko namang kapag dumating ang araw na iyon ay hindi ako magsisising aminin ‘yon sa aking sarili. “Well, hindi lang talaga siguro ngayon ang tamang pagkakataon,” wika ko kay Meisha nang puntahan niya ako dito sa bahay. Nalaman na rin naman nila ang tungkol sa sinabi ng doctor dahil kakilala iyon ng kaibigan ko. Dahil dakilang tsismosa ‘tong babaeng kasama ko ay naidaldal na rin niya iyon sa group chat. Hindi lang makapunta iyong iba dahil busy sa kani-kanilang mga buhay. “Halata rin namang gusto ka niya kaya hindi na ako magtataka kung tatanungin ka n’ya ng gano’n. Tama rin naman ‘yang choice mo,” tugon naman nito sa akin kaya napatango-tango

