I can’t still believe what Casper told me. Nakurot ko na nga ang pisngi at ang dalawang kamay ko pero hindi talaga panaginip. Ramdam ko ‘yong hapdi ng pagkakakurot ko at manipis lang din ang ginawa ko. Oh my gulay! Ano nang gagawin ko sa lalaking ‘to? Sa sobrang pag-aatras kong makalayo sa kan’ya ay hindi ko na namalayang nadikit na ako sa stove. Naiangat ko kaagad ang kamay ko nang mapaso ako. “Aray!” Reklamo ko nang maramdaman ang init sa palad ko. Dumikit naman kaagad sa akin si Casper at kinuha ang kamay ko. Magkasalubong ang mga kilay niya at parang ano mang oras ay pagagalitan ako. Napailing siya sa akin, ngunit siya na rin naman ang naggamot ng paso ko. Habang pinapanood ko siyang tahimik lang sa ginagawa ay hindi na rin naalis pa sa aking isipan ang sinabi niya kanina. Sa totoo

