I did not expect him to answer me. Nasabi ko lang talaga ‘yon dahil iyon ang tingin kong dahilan kung bakit bigla na lang nagkaroon ng Casper Kyle sa buhay ko bukod sa naging mission ko siya. Palagi kasing nawawalan na ako ng kumonikasiyon sa mga naging trabaho ko kung wala na rin namang importanteng dahilan para mag-usap o magkita pa kami. “Hindi mo rin ako kailangang sagutin, Kyle,” nakakaunawang sambit ko. Alam kong gaya ko rin siya na mahirap sabihin ang mga bagay-bagay. Naiintindihan ko naman at tumatak na sa aking isipan na may oras o pagkakataon na kusa na silang magsasabi. And I am willing to wait. Gaya ng ibang tao sa akin. They waited for me for so long. Ano ba naman ‘yong simpleng paghihintay, hindi ba? Wala namang mawawala sa tao kung iyon ang pipiliing gawin. Makakabawas

