“And now, ako naman ang nahihiya,” mahina ang boses na aniya. Natawa ako at tumingin na lang din sa kalangitan. Medyo makulimlim, ngunit mukha namang hindi uulan. Hindi na rin mainit ang simoy ng hangin dahil mukha nasa hapon na rin ang oras. Hindi ko na namalayang ang tagal ko na rin pa lang nandito sa park. “Are you okay?” He asked after minutes of silence. I don’t know how to answer him. Napangiti na naman ako at hindi na siya sinagot pa. Ang hirap sabihing okay lang dahil hindi pa rin naaalis sa aking isipan ang mga katagang sinabi ng doctor kanina. Paulit-ulit lang iyon sa paglakbay sa aking utak at mukhang hindi ako titigilan. Naramdaman ko ang paghawak ni Casper sa kamay ko kaya muli akong napatingin sa kan’ya. Hindi na ako nagulat nang nasa akin na ang kan’yang paningin dahi

