I don’t know what I am feeling right now. Kusa nang bumagsak sa aking kamay ang cellphone na hinawakan ko kanina. Naestatwa na yata ako dahil pagkabaling ko kay Meisha ay hindi na ako nakagalaw pa. Tahimik lang ang paligid. Tila pinapanood lang ako ng mga kasama ko dito sa bahay. Pagkatapos magsalita ni Meisha ay wala nang dumugtong pa. Nakakunot ang noo ko at hindi malaman kung tama ba ang narinig ko. “Tan,” Levine called me, but I was too shocked even to notice her. Hindi ko maintindihan kung bakit kinakabahan ako. Ngunit nang magsimula nang maglakad ang mga paa ko ay para pa rin akong nakalutang. Bahagyang umusog si Meisha upang matapatan ko ang pintuan. She was just looking at me, intently. What is really happening to this house? Kanina ay hindi ko na nga maintindihan ang presen

