Sa mga lumipas na araw ay hindi na ako nakarinig pa ng kahit ano sa mga kaklase ko. Ngunit paminsan-minsan ay nararamdaman ko ang panonood nila sa bawat kilos ko lalo na kapag may kausap ako sa cellphone. Parang binabatanyan nila ako kung si Casper ba ang kausap ko kahit iyon na ang huli naming pag-uusap. Hindi na ito nagparamdam pa kaya nag-aalangan ako kung tuloy pa rin ba ang pagkikita namin. Namalayan ko na lang ang sarili ko na nagbibihis. Naging makalat din ang kama ko dahil hindi ako makapagdesisyon kung ano ang aking susuotin. “Damn it, Tanya! Magkikita lang kayo ni Casper kaya hindi mo na kailangang maghanda ng sobra.” Nagagalit na wika ko sa aking sarili. Napaupo na lang ako sa kama ko at pinakatitigan ang sarili sa salamin. I am wearing my black dress that perfectly fit o

