Ang first floor ng bahay ay mas umingay nang nagsidatingan na rin ang iba. Si Meisha na lang ang kulang pero dahil mamaya pa siya makakarating ay nagsimula na rin kaming kumain. Panay ang tanong nila sa akin kung ano na ang buhay ko bilang estudyante. “Hay nako, simula nang mag-third year ako ay hindi na naging tahimik ang buhay ko.” “Sila-sila pa rin ba ang nang-bu-bully sa ‘yo? Halos mga kaedad lang ‘yan ni Maria, ah? Isang taon lang ang agwat tapos gan’yan pa rin ang mga ugali?” Masungit na ani Irene. Nagkibit balikat na lang ako at kumuha ng fried chicken. Nagbigay na rin ng komento sina Cyhael na nababasa lang din sa group chat ang mga hinaing ko sa buhay. Hindi rin nila inaasahan na may nang-bu-bully pa rin sa panahon ngayon. “Sinabi mo na ba ‘yan sa school niyo? Baka panay an

