I don’t know, but I felt like he was having a problem. I know hindi naman ‘yon maiiwasan lalo pa at matatanda na kami. Medyo bumigat ang pagkakahawak niya sa akin ngunit hindi naman ako nagreklamo. Hindi ko na nabilang kung ilang minutong nasa ganoon lang ang puwesto namin. Medyo nakikiliti ako sa mainit na hininga na tumatama sa aking leeg pero hindi ako nagpahalata. “Gusto mo bang kumain muna tayo? May alam akong bukas na paresan hanggang ngayon,” pang-aalo ko pero pinilit kong mag-iba ang tono. Simula ng dumating ako kanina ay hindi ko napansin na nagkaroon siya ng break. Alas nuwebe na at baka hindi pa siya kumakain kaya nag-alok ako. Ayoko rin siyang pakawalan ngayon at tila mayroong bumabagabag sa kan’ya. “May mami rin do’n. Mas gusto mo ba ‘yon?” Muling sambit ko nang mahinan

