Dawn POV "Bakit hindi mo pa sinasabi sa akin ang totoo? I am waiting right now Helen! Ano pa ba ang dapat kong malaman?" I uttered with hate. Ewan ko kung bakit mas pinili pa nilang manahimik samantalang ang hirap para sa akin na pigilan ang sarili ko na huwag sumigaw habang dala-dala ko sa dibdib ko ang mga masasakit na ala-ala mula sa aking nakaraan. Napabuntonghininga ang aking kapatid bago ito napatingin sandali kay Eros kaya hindi ko alam pero kusa na ring dumako ang mga mata ko sa isa sa mga taong pinagkakakatiwalaan ko. Ngunit ngayon bakit parang hindi ko na ito mapagkatiwalaan? "T-Tell me..." halos bulong ko na lamang na sambit na siyang kinayuko ni Eros. Kaya nilapitan ko ito upang duruin ito sa dibdib nito. "Bakit Eros? Bakit hindi mo masabi sa akin kung ano ang tinatago m

