Dawn POV "Yesha," napapitlag ako sa narinig kong pagtawag sa akin at nang lingunin ko ang boses ay nakita ko si Eros na nasa b****a ng pintuan at pinagmamasdan ako. "Hindi ka ba kakain?" Mahinang sambit nito na kinayuko ko. Sa totoo lang hindi ko rin alam kung makakakain pa ako. Masyadong binabagabag ako ng konsensya ko. I can't even stare at his eyes without feeling ashame. Masyado mahirap tanggapin na nagagawa pa rin nitong umaktong parang walang nangyari pero ang totoo niyan ay dapat hindi ganito ang turing nito sa akin. Isa pa hindi ko rin alam kung paano aakto sa harap nito. Ngayon pa na alam na nitong pinili ko lang ito dahil hindi ko na mababawi ang desisyon na pinili ko. Parang bang isa akong naliligaw na tao na hindi na alam kung paano bumalik kaya tinanggap na lamang ang

