It's better to feel empty rather feeling pain. Iyan lamang ang nasa isip ko ngayon, at hindi ko na binigyang pansin ang reaksyon ng aking kapatid. Hindi ito makapaniwala at tuluyan napaatras ng isang hakbang palayo sa akin. "I can't believe you! Bakit kailangan mo pa maduwag ate? Why can't you accept the fact na kailanman ay hindi ka sasaya kahit pa piliin mong lumayo at huwag piliin si Flix. Sinasabi mo lang na masaya ka pero utak mo lang ang nagsasabi no'n ate because you just wanted to believe na maaaring masaktan ka lang pagpinili mo siya. Pero ate hindi naman pare-pareho ang wakas ng bawat kabanata sa buhay mo. At paano mo nasisiguro na hindi ka rin masasaktan pagpinili mo si Eros? O kapag pinili mong lumayo?" Naguguluhan ako, 'yun lang ang masasabi kong totoong nararamdaman ko.

