Araw-araw ay ganoon na ang naging sitwasyon ni Meenah at Malter. Kakain ng lunch together, magkukwentuhan sa rooftop kapag coffeebreak or teabreak at kwentuhan sa parking lot bago umuwi. Halos malimutan na ni Meenah ang problema niya sa bahay dahil kay Malter. Masayahin din kasi itong taong ito at hindi naman siya nito pinipilit na ihatid. Naisip niya na sa loob ng ilang buwan nilang pagiging mag-close sa isa't-isa ay why not let him send her home. Pagbibigyan na niya ito sa kagustuhan nito. "Malt, busy ka?" tanong niya na ipinaharap pa ang upuan niyang de gulong sa binata. Nakatukod ang siko sa sandalan nito habang ang palad ay nakalapat sa pisngi nito. "Basta para sayo never ako magiging busy." saad ng binata pagharap nito sa kanya. Hindi niya maintindihan pero bahagya siyang kinilig

