Dahil sa naging komprontasyong iyon nina Meenah at Marty ay nagbago ang trato ni Marty sa kanya. Lalo na nang nalaman nitong inihahatid pala ito ni Malter sa kanila at palaging nagsasabay sa pananghalian. Admit it or not, he's jealous. For all those years na puro lust lang at walang love ang pinagsasaluhan nila ni Meenah ay ngayon niya lang nakita ang dalaga na palaging nakangiti. Marahil ay napapasaya siya ng binata. Sa isip ni Marty habang tulala. Nakatingin sa kawalan habang nakatayo sa harap ng glass window ng opisina niya. "Ano naman sa ‘yo ngayon, Marty?" tanong niya sa sarili niyang kanina pa kinokontra ng puso niya. Nakamove-on na nga ba siya? Hindi na nga ba niya mahal ang babaeng tumalikod sa kanya? Pilit niyang hinalukay ang laman ng kanyang puso. Wala siyang ibang matagpuan

