CHAPTER 70 -------------- GWEN POV -------------- Ilang sandali lang at tumigil nga ang pagpe-play ng sounds. Subalit pumalit naman ang boses ng isang babae. Boses ni Ms.Rina iyon at wala ng iba pa. "Hindi ko alam na ganito pala kababa ang standard ng school nyo," sabi nung boses nya na umalingawngaw sa buong gymnasium. Kitang kita ko kung paano nagpalingan ang mga ulo ng mga audience nya para tuntunin kung nasaan syang banda ngunit walang makakita sa kanya. "Alam nyo ba na ang babaeng nakatayo sa harapan ninyong lahat at nais nyong bigyan ng mataas na karangalan ay ang pinaka mababang uri ng babae na nandito ngayon sa hall nyo? Tama! Tama talaga ang narinig nyo. Pinaka mababang uri dahil isa syang kabit!" Announce nya sa lahat. Kung ang goal nya ay ipahiya ako, pwes kanina pa tal

