CHAPTER 69 --------------- GWEN POV --------------- Dahil alam ko. Muli ay nakaramdam ako ng ibayong takot maisip ko palang iyon. Takot hindi lang para sa sarili kong seguridad kundi para na rin sa kaligtasan ng mga taong malapit sa puso ko. Muli akong naiyak sa mga palad ko. Dito ko naalala ang mga katagang binitiwan ni Roxanne noon. Sabi nya ay: "kumalas ka na hangga't may oras ka pa" Sana pala noon palang ay nakinig na ako sa kanya. Sana pala. Sana pala... ------------------------ AFTER 6 WEEKS ------------------------ "Okay lang! Ano ka ba? Huwag ka ngang masyadong malungkot diyan babe! Parang hindi naman na tayo magkikita bukas nyan!" Natatawang sabi ko kay Ron na kanina pa nangungulit sa kabilang linya. Graduation day ko kasi pero ayon at nasa gawing Visayas pa sya. H

