CHAPTER 121 ------------------------------ ROXANNE POV ------------------------------ Ora mismo ay agad akong bumalik sa loob ng elevator. Kahit gusto kong sumbatan si Theo sa pananakit nya sa damdamin ko ay hindi ko sya nagawang harapin. Natatakot kasi ako sa katotohanang pwede nyang sabihin sa akin. Wala akong nagawa kung hindi ang umiwas. Sa lakas ng kabog ng dibdib ko at sa biglaang panginginig ng katawan ko ay himalang nakatayo pa rin ako. Buti na nga lang at may handle na naroon malapit sa akin. Nanghihinang napakapit ako don. Grabe ang naging epekto ni Theo sa akin. Sa sandaling presensya nya ay halos mawala ako sa sarili ko. Bumalik ako sa kwarto ko at doon ko pinakawalan ang mga luhang kanina ko pa kinikimkim. Sa takot ko na muling mag krus ang landas namin ni Theo ay umal

