SPECIAL CHAPTER 8 ------------------------------ CHARRIE POV ------------------------------ "May ibang babae na si Theo?" Naluluhang tanong ko. Marahan syang tumango tapos ay napayuko. Sa sagot nya na yon ay hindi ko na napigilan ang sarili ko na lumuha. "Sino yung babae na yon Aries?" Umiiyak na tanong ko sa kanya. "Charrie huwag mo ng alamin. Masasaktan ka lang lalo eh," may galit sa boses na sabi nya sa akin. "Oo! Nasasaktan talaga ko! Nasasaktan ako para sa mga magulang ko! At lalo akong masasaktan pag wala akong ginawang paraan para sa kanila. Kaya please sabihin mo sa akin kung sino yon!" Umiiyak pa ring pakiusap ko sa kanya. Pero tulad kanina ay hindi na sya muling nagsalita. "Sabihin mo sa akin kung sino!" Sigaw ko sa kanya sabay kuha ko ng cutter

