SPECIAL CHAPTER 7 ------------------------------ CHARRIE POV ------------------------------ "Kung sasabihin ko ba na matagal na din kitang gusto? Anong silbi non? May nobyo na ko at kaibigan mo pa! Sana noon pa Aries! Sana noon pa!" Sagot ko sa kanya. Dahil sa namumuong emosyon sa damdamin ko ay tuluyan ng nabasag ang boses ko. Pinigilan ko lang talaga ang maiyak sa harapan nya. "Higit pa sa pagka gusto ang nararamdaman ko para sayo Charrie. Alam ng Diyos yan! Kaya nga sana tanggapin mo ang pagmamahal ko sayo please. Payag ako kahit pangalawa lang ako kay Theo," kulang sa option na alok nya. "Ano yang sinasabi mo? Gusto mo na maging two timer ako? Ayoko Aries! Ayoko!" Tanggi ko tapos ay tinalikuran ko na sya. Kaya nga nung hablutin nya ko at halikan sa labi ay nagulat ako. Nanlaba

