SPECIAL CHAPTER ------------------------------ CHARRIE POV ------------------------------ Sasagutin ko sana ang tanong nya nung bigla namang sumulpot si nanay kasama ang panauhin ko daw. Nagulat pa ko nung pagtingin ko sa may gawing pintuan ay nandon si Aries. May dala syang bulaklak at basket ng prutas. Nung makita ko sya ay parang sumigla ang pakiramdam ko. Naramdaman ko naman kasi na simula ng maging kami ni Theo ay umiwas na si Aries sa akin. I mean hindi na sya madalas magpunta sa bahay tulad noon. "Aries ikaw pala! Pasok ka," nakangiting bati ko sa kanya. "Nag abala ka pa ata," natatawang sabi ko habang nakatingin ako sa bitbit nya. "Ah hindi galing sa akin to. Pinasuyo lang ni Theo," nahihiyang pagko-correct nya sa akin. Tapos ay ibinigay nya sa akin yung dala nya. "Nalaman

