Hindi ko alam kung saan sila nagpunta kaya matyaga ko siyang hinintay sa harap ng shawarma house dito banda sa exit. Nakaramdam ako ng gutom kaya nag order ako ng shawarma rice, may pera naman akong dala. Hindi ko siya tinext baka istorbo pa ako sa ginagawa nila kung gumagawa man sila ng milagro ngayon. Sa halip ng send ako ng picture ng grocery ko sa group chat naming tatlo. SPOILED. Caption ko sa picture na sinend ko. Online silang pareho ngunit hindi nila tiningnan ang mensahe ko. Napanguso ako na ibinaba ang cellphone ko at nagpatuloy sa pagkain. Ilang minuto pa akong nakaupo, ubos ko na rin ang order ko pero waka parin si Emmanuel. Isang oras na ah. May plano pa ba siyang balikan ako dito? Kasama niya lang ang girlfriend niya kinalimutan na ako. Matyaga ko siyang hinintay kahit nam

