Pinigilan ko ang sarili ko na yakapin siya sa pananabik. Nanatili parin akong nakatalikod sa kanya, hindi parin ako makapaniwala na bumalik na siya. I swallowed hard bago humarap sa kanya. He is wearing a black long sleeve, nakatupi hanggang siko ang manggas. With black baston jeans and a Balenciaga shoes. Para siyang galing sa lamay sa suot niya. Pinakatitigan ko ang kanyang seryosong mukha. Bahagyang nagkasalubong ang kanyang makapal na kilay. Binasa niya ang kanyang mapupulang labi at umiling na umiwas ng tingin sa akin. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalapit siya sa pintuan ng apartment ko. Sinipat niya ang kandado . "Ano bang mayroon dito at hindi ka nakikinig sa'kin na huwag ng babalik dito?" Pormal na tanong niya at malakas na binaklas ang kadinang pinagkabitan ng kand

