Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Alas kwatro palang ng hapon hindi pa nakauwi si Cecelia. Wala rin ang dalawa kong kaibigan upang mapuntahan ko. Hindi ko akalain na mapa aga ang uwi ni Emmanuel at sundan siya ng girlfriend niya dito. Inamin na niya kaya sa girlfriend niya ang istado naming dalawa?Iyon ba ang pinagmulan ng pagtatalo nila? Ano kaya ang sinabi ng girlfriend niya? Ayos lang ba iyon sa kanya? May kasunduan ba sila?May mga bawal ba siya? Gusto ko malaman lahat pero naduduwag ako. .natatakot na marinig ang lahat ng sagot. Nalilito na ako sa sarili ko. Sa paglalakad ko hindi ko namalayan nakarating na ako sa Sun D’ Go Eco Park, pagmamay-ari ng mga Sandiego. Isa ito sa mamanahin ni Alfred balang araw kapag may asawa na siya. Ngunit sa pagkaalam ko siya na ang nagpapatakbo ng

