Amara POV Mag iisang taon ang lima naming anak ni Luther at ang masasabi ko lang napaka swerte ko sa asawa ko dahil kahit na sobrang busy niya sa trabaho ay natutulungan niya pa rin ako sa mga bata. Hindi na siya pumupunta ng kumpanya at dito nalang sa office niya sa mansion siya nagtatatrabaho simula ng manganak ako paminsan ay pumupunta siya sa opisina. Sinabihan ko na nga siya na okay lang naman kung sa mismong company na siya mag work pero dahil siya ang Luther ko, hindi siya pumayag at gusto niya raw akong alagaan pati ang mga bata. Sa awa ng Diyos ay nakakaya naman naming dalawa ang mga gawain dito sa tulong na din ng mga kasama namin dito sa bahay. May tig iisang tagapag alaga ang mga bata, mga nasa edad singkwenta na silang lima si Yaya Merly, Yaya Pacing, Yaya Esmeralda, Yaya L

