Luther POV
I decided na gamitin yung luxury yacht na pag mamay-ari ko I am planning to use it ng ako lang mag-isa it was a hightech and automatic yacht kaya nitong mag layag without me maneuvering it. At first I was really hesitant na bilhin ito but I reminded myself na kaya nga ako nagtatatrabaho ng husto para sa mga gusto kong bilhin.
This yacht has enough space for sleeping quarters or should I say cabins)as well as a kitchen galley and a bathroom for overnight journeys. It is also huge enough that it takes more than human input to move ahead, but since may pinabago ako dito, it can now function without being driven by a professional. Money literally do everything itong sakit ko lang naman ang hindi masulusyunan ng limpak limpak na meron ako.
Literally pag pumapasok sa isip ko yung sakit ko it makes me devastated.Hindi pa ng ako nagkakaroon ng nobya sa tanang buhay ko kukunin na agad ako ni Lord, paano ko nalang palalaganapin ang lahi ko. Kulang nalang tawagin ko ang sarili ko na sad boy ng taon ngayon.
Since I don't want anyone to accompany me I prepared everything that I will be needing in this solo trip of mine. Maybe I'll stay here for about seven days contemplating and reminiscing kung paano ba ako nabuhay at ano ako as person.
Aaminin ko I am really brutal when it comes to business world and I do everything legally. I started on my own kaya kung ano yung tagumpay na meron ako sa buhay pinag hirapan ko ang lahat ng iyon, sa sobrang busy ko nga sa negosyo nakalimutan ko ng humarot. I experienced a lot of downturns in life pero hindi yun naging rason para panghinaan at malugmok ako sa buhay. I've been through worst. I lost friends because we don't have the same priniciples in life.
Maiba ako mukhang huling sakay ko na rin naman dito at malapit na ang deadline ng buhay ko. I did spend around 420 Million dollar for this luxury yacht of mine and in my last will and testament I will be donating it to the charity. Tutal wala na rin naman akong malapit na mga kamag-anak mabuti pang idonate ko nalang ang mga pera na pinaghirapan ko. Kung meron man akong kamag-anak malayong kamag-anak na rin and I know that they are successful at hindi na nila kailangan pa.
I am planning na mag pagawa ng libreng hospital para naman yung medyo yung kapos sa budget ay hindi na iisipin ang mga gastusin para sa gamot nila at check up. I do also have 500 college student scholars nation wide I'll make sure na hanggang makatapos sila ay patuloy pa rin ang scholar na tinatanggap nila. At least kahit mawala ako I have something na maiiwan sakanila. When I am having a small gathering with my scholars ang lagi kong sinasabi sakanila ang gusto ko lang makita sakanila ay kapirasong papel hindi marriage certificate kundi diploma.
Nakasakay na ako ngayon dito yate at naglalayag na din, mahigit isang oras na ako dito at malayo-layo na rin ang tinatakbo nito. Madilim na din ang kalangitan nasa gitna na akong bahagi ng pinaglalayagan ko dito ko muna ito hininto balak ko kasing magpalit muna ng damit. Habang nagpapalit ako napatingin ako sa repleksyon ko sa salamin.
"Damn sayang talaga lahi ko, bakit naman kasi noong mga kabataan ko'y umiwas ako sa mga babae, yan tuloy?' I scanned my body reflection I have a sculpted body, paano ba naman kasi hindi magiging ganito bukod kasi sa negosyo ay hilig ko rin ang pag gym at ehersisyo. Sa sobrang kasipagan ko nga nag appear na itong eight pack abs ko, hindi ko ito basta basta pinapakita kasi conservative type ako.
I am now wearing my white long sleeves na pinares ko sa isang blueish bermuda shorts. Kung hindi rin ako nagkakamali sa I am 6'1 in terms of my height pero kahit ganito na ako katangkad I am not fond in playing basketball. I am really good when it comes in playing chess. When I was in my college years pwede na akong iconsider as a nerd. bninuhos ko kasi ang buhay ko sa pag-aaral at pagpapayaman and it was all worth it. I did finished my doctorate in Business Administration lahat ng natutunan ko ay ginamit ko sa realidad ng buhay.
Nang matapos akong makapagbihis napag desisyunan kong magluto muna, siguro ay magbabarbecue nalang ako I haven't tried cooking it, matagal tagal na rin ng makapagluto ako. First thing na ginawa ko is to marinate the pork and then skewering the marinated pork pieces using bamboo sticks For this dish, I'm using only a few marinade ingredients. Aside from the standard high-end pork marinade of soy sauce, calamansi, ketchup, chili powder, garlic, and sugar. Putting my own recipe sauce adds taste to the meat. At ng tapos ko na imarinate ang mga ito I decided na ihawin na.
Ngayong gabi kasama ko itong barbecue ala Luther at ang sandamakmak na alak. I am planning na magpakalasing ngayong gabi baka sakaling makalimot ako saglit.
Nakakapit ako dito sa railling ng yacht na ito habang iniinom ang ika pitong bote ko na ng alak baka nga nagrereklamo na atay ko na ito. Drinking too much is not really good for the body pero susulitin ko na itong pag inom ko na ito, medyo tinatamaan na rin ako sa alak na nainom ko. I have low tolerance sa alak.
Nagisismula na rin akong matawa "Lord bigyan niyo naman po ako ng chance na mainlove sa buhay. I don't want to die as a virgin!" sigaw ko pa dito tutal madilim at gabi na rin walang makakarinig sa akin dito. Tyaka baka pagbigyan ako ni Lord sa wish ko.
Nagiging sobrang energetic na din ako, damn. Agad akong nagpatugtod at sumayaw na budots dito sa malapit sa may railing. Naisip ko I haven't tried na magsayaw pala all I can is marunong ako nag lower down pa ako as I was dancing the budots. Natatawa nalang din ako sa sarili ko. Dapat noon ko pala dapat triny itong ganitong pagsasayaw. In all fairness malambot pala ang katawan ko I can really dance.
Habang sumasayaw ako sa saliw ng musika ng budots ay bigla akong nakaramdam ng hilo at pag galaw nitong yate, damn.
"What the actual fudge is happening?" bago pa ako makakapit sa railings nitong yata ay na out of balance na ako dahil sa sobrang pag galaw ng tubig. Good Lord gusto ko lang naman magsayaw mukhnag ma advance ang pagsundo niyo sa akin piping kausap ko sa Panginoon.
Tuluyan na ngang bumagsak si Luther sa katubigan at ang masama pa dito ay hindi ito marunong lumangoy. Pilit iginagalaw ni Luther ang kanyang mga paa habang pilit na umaahon pero kahit anong pilit niya ay hindi niya magawa pa. Uniti-unting lumulubog na ang katawan nito. Tuluyan ng nawawalan ng pag-asa nilamon na siya ng dilim.
Amara POV
Habang pinagkakasya ko ang sarili ko dito sa ilalim ng tulay para maibsan ang ang lamig at lungkot pinagdarasal ko sa Panginoon na sana ay wag umulan ngayong gabi para hindi abutin ng tubig itong pwesto ko. Katabi kong matulog ang kutsilyo na matagal ko ng pinag-ipunan, panlaban ko sa kung sino man ang magtatangka sa akin mas mabuti ng handa at protektado dahil ang tinutuluyan ko ay isang open area. Kaya alerto ako lagi, naalala ko tuloy yung lasing napagawi dito kamuntik na ako nun buti nalamang at umiba siya ng pinuntahan, hindi na siguro ako napansin sa sobrang pagkalasing niya. Buti nalang talaga mabilis akong nagising nun at nakapagtago.
Kagat ng lamok sa kung saan nalang ang natamo ko dito kaya agad akong nagtalukbong ng kumot. Mga lintik na lamok yan ako pa ang pinapapak ano yan busog sila sa dugo tapos ako ni maghapunan ay hindi nagawa dahil kulang na kulang ang pera ko ngayon. Ang mahirap talagang maging isang mahirap.
Maaga akong naalimpungatan dahil may pumatak na tila ambon sa mukha ko, madilim pa ang paligid siguro ay alas tres palang ng madaling araw pero agad na nanlaki ang mga mata ko ng may makita akong lalaki na nakadapa hindi kalayuan dito sa pweste ko.
"Lord wag niyo naman po ako takutin ng ganitong kaaga." piping dasal ko baka namamalikmat lang ako kaya tinignan ko ulit kung tama ang nakikita ko..
Dahil may pagkaususera at chismosa akong tao nilapitan ko yung katawan at base sa malapitan isa itong malaking lalaki. Habang nasa gilid ko ang kutsilyo na pang self defense ko ay nilapitan ko ito. Dahan-dahan....
"Gising Kuya, ke aga-aga ano ba at ganito ang trip mo." sabi ko rito at inaayos ang kanyang pagkakadapa ngayon ay natunghayan ko na ang mukha niya at agad nanlaki ang mga mata ko ng makita ang malaking sugat sa noo nito, hala napano ang lalaking ito?
"Nalintikan na." natatarantang turan ko anak ng anong gagawin ko sa lalaking ito. Paano kung patay na ito at paano kung masamang tao siya. Hindi ko nga mapuri ang kagwapuhan nito. Agad kong napitik ang noo ko sa mga pinag-iisip ko.
"Amara naman." sita kong natataranta sa sarili ko, kung ano ano pa kasing iniisip ko.
Agad kong tiningnan kung may pulso pa ito buti nalang talaga at nakikinig ako sa science lecture namin noon sa eskwela namin. At ng icheck ko ito ay may pulso siya, buti nalang talaga kasi ano nalang ang gagawin ko kung wala mamaya mapagbintangan pa akong ginawan ko ito ng masama kahit na ang totoo ay nagmamagandang loob lang naman ako sakanya. Kumbaga para lang akong isang good samaritan sakanya.
Agad ko siyang binuhat na paunti-onti sa bigat ba naman niya'y tala ako dala na rin siguro ng adrenalin rush ay ay nabuhat ko siya sa higaan ko sa ilalim ng tulay. Jusko nasa 5'5 lang ang height ko at itong lalaking buhat-buhat ko ay siguradong mas matangkad pa sa akin. Halata naman kasi matangkad at malaking lalaki siya, mukha ring may lahi kasi ang tangkad tapos halata sa itsura niya. Hindi ko muna siya pinag-iisipan ng masama kung bakit siya napadpad dito. At sana naman hindi kriminal itong tinulungan ko takot ko lang na masangkot kung sakaling may kalokahan itong ginawa. Pero base naman sa mukha niya mukha namang hindi ito gagawa ng katarantaduhan, sana nga ay tama ako. Ayoko na ng panibagong stress sa buhay.
Nakapikit kong pinalitan ang damit nito at ang suot nito kailangan ko siyang palitan kasing basang-basa na itong puti niyang damit mamaya lagnatin pa ito dahil sa lamig. Iniwasan ng kamay ko ang mga parteng dapat maiwasan nanginginig pa nga ako nung tinatanggal ko ang butones kasi sa tanang buhay ngayon lang ako makakahawak at makakapagbihis ng isang lalaki. Ni wala nga ito sa goal ko sa buhay pero kung hindi ko naman kasi siya aasikasuhin na bihisan mukhang magkakasakit ito ng malala at makukunsensya ako pag nagkataon.
Promise Lord hindi po ako tumingin at iniwas ko po ang kamay ko sa mga lugar na off limits po. Pinasuot ko sa kanya yung luma at oversize kong damit medyo humapit ito sa katawan niya pero okay na yun kasi kung lalamigin siya ay lalong mas delikado iyon.
Napa sign of the cross ako nung iyong ibabang parte na ang bibihihisan ko.
Sa pambaba naman niya ay pinasuot ko yung malaki kong pajama na bili sa ukay-ukay dapat ireregalo ko yung kay Mang Telmo dahil naging mabait siyang nagtitinda ng mais kaya lang hindi ko naibigay kasi kunha na siya ni Lord. Saktong sakto dito sa lalaki yung pajama agad ko itong kinumutan. Syempre nung inaayos ko na iyong pambaba niya hindi na ako pumikit kasi baka mamaya kung saan pa mapunta ang kamay ko. At sa tanang pagbibihis ko sakanya kahit na ang lamig ng buong paligid pinagpapawisan ako dahil sa kaba at hiya. May nakita nga ako pero secret ko lang, shet feeling ko namumula pa rin ako. Pinakalma ko ang sarili ko at pinaalala na tama lang naman ang ginawa ko, walang malisya. Shet.
Inumaga na ako sa pagbabantay sa kanya pero wala pa rin ito malay at habang tumatagal kinakabahan at natatakot na ako pero pinapalala ko lang sa sarili ko na may pulso siya na hindi ako dapat kabahan dahil baka mablanko lang ako. Sa totoo lang natatakot na ako kasi baka mamaya eh mamatay ito tapos ako yung kasama, mapagbintangan pa ako.
Lumagabog ng husto ang puso ko ng bigla itong bumangon at nagkatitigan kami at shet ang masasabi ko lang ang pungay at ang ganda ng mga mata niya.
"Kuya okay ka na ba?" kinakabahang tanong ko na may bahid pa ng pag-alala. Paano ba naman ay may sugat ito sa noo.
"Who the hell are you? nagugulantang tanong niya na para bang alien ako sa harapan niya.
" Maka who the hell ka naman Kuya, niligtas na nga kita tapos susungitan mo pa ako. Ikaw ang sino? At bakit ka napadpad dito? Hindi ka naman kriminal o ano noh?" naiinis na sagot ko dito lakas din ng amats nitong lalaking ito pogi na nga sana masungit lang.
Nalilito itong tumangin sa akin at kalituhan lang ang makikita dito kung nalilito siya mas nalilito ako sa mga inaakto niya,gagi ano ito prank. Tiningnan ako nito ng maigi pero napansin kong medyo natagalan ang titig niya sa labi ko kaya itinikom ko iyon at tiyaka niya binalik ang titig sa mga mata ko bagaman nagsusungit ito nakita ko pa rin ang pamumungay ng maganda nitong mata.
"Who the hell I am? Sino ako? Bakit ako nandito?" naguguluhang tanong nito aba'y malay ko kung sino siya ngayon lang kami nagkita sa tanang life ko.
"Kuya may amnesia ka?" nagugulantang na tanong ko dito aba'y hindi lang siya ang pweding magulantang dito.