Amara POV
Nang tinanong ko itong gwapong lalaking natagpuan ko malapit sa may tirahan ko ay talaga namang nagulantang buong pagkatao paano ba naman ay ano ang gagawin ko dito mukhang may amnesia pa ata akala ko dati sa telenobela lang ito sa tv yun pala ay nangyayari din pala ito sa totoong buhay, nalintikan na talaga. Shet na malagkit ano ang gagawin ko ngayon.
Tiningnan ko siyang maigi base sa pag oobserba ko ay hindi basta-bastang tao paano ba naman ay mukhang yayamanin din ito. Like literan na yayamanin talaga. Itsura pa lang at amoy niya palang, check na check na mayaman ito. Ganda ng balat niya namumula mula pa nga mukhang alagang-alaga, nawa'y lahat naman diba. Pero hindi rin naman pahuhuli itong kutis ko kasi kahit na sa lansangan lang ako nagpapalaboy laboy ay inalagaan ko itong mabuti. Ika nga nila don't panic it's organic. Nagawa ko pa talagang magbiro sa kaseryosohan nitong nangyayari ngayon.
"Huy Kuya may amnesia ka ba? Tyaka paano ka napadpad dito? Tyaka pwedeng hinay-hinay lang pag ingles sa akin, nakakadugo ng ilong. hehe." mahinahon at naiintriga ko pang tanong.
At base sa itsura ni Kuya mukhang gulong-gulo din ito sa akin.
"Would you please stop firing with too much questions, sumasakit ang ulo ko." sagot nito sa akin ng seryoso habang sapu-sapo nito ang ulo niya. Buti nalang at hindi na ito dumudugo kanina kasi grabe yung agos ng dugo sa noo niya. Dadalhin ko na dapat siya sa hospital pero wala naman akong sapat na pera.
Gusto ko man siyang patingnan hindi ko magawa kasi hindi ko kaya tatawagin ko sana si Aling Marta na isang albularyo pero mukhang wala ito ngayon dito at balita ko ay umuwi ito sa Capiz sa Bicol.
"Stop Kuya don't english me, mahina tayo jan pero hindi ako bobo ha. Kumusta ba ang nararamdaman mo bukod sa masakit ang ulo mo wala pang nabaling buto sayo? Pasensya ka na kung madaldal ako hindi ako tsismosa ha nagtatanong lang ako. Tyaka ano bang pangalan mo bakit ka napadpad dito, napagkamalan pa tuloy kitang masamang tao. Kala ko lakas ng amats ng ulo mo kasi nakadapa kang natutulog yun pala mukhang inanod ka dito." mahabang itanya ko dito, curious talaga kasi ako.
" To answer your first question, oo masakit ang ulo ko it was too painful pero kaya ko ang sakit." sagot nito sa akin.
"Gusto mo punta tayong clinic baka magbubukas na yun mamayang mga alas otso, hindi kita madala sa mamahaling pagamutan kasi wala akong datung." Pahingi ko ng paumanhin dito.
"Patapusin mo muna ako Miss na sagutin ang mga nauna mong tano." kalmado nitong sagot sa akin.
"Sarreh." nag peace sign pa ako dito, tamang pacute lang. Minsan lang ako makakita ng lalaki na kala mo ay hinugot sa mga pocket book. Gwapo siya at pang malakasan ang dating para ngang tumambol ng kaonti itong puso ko eh.
"So as I was saying sa tingin ko naman ay walang napano sa buto ko ito lang talagang sugat sa noo ko ang sobrang masakit pati ulo ko." sagot na naman nito sa akin.
"Ahhhhhhhhhhhhhhh." sigaw nito na parang namimilipit sa sakit at hawak hawak ang ulo niya.
"Hala Kuya anong gagawin ko? Punta na tayong hospital? Mangungutang ako kina Aling Bebang halika na." natatarantang sabi ko dito kasi parang grabe na yung sakit na nararamdaman niya sa ulo niya. Baka mamaya madedo ito dito ako mapag bintangan.
"Calm down miss wag kang mataranta I can handle the pain, hindi na natin kailangang pumunta ng hospital. I can manage."
pag-alo nito sa kin. Jusmiyo naman itong si Kuya. Hindi niya pa nga nasasagot lahat ng tanong ko, may sakit portion na siya sa ulo, kawawa naman.
"Lord wag niyo muna po siyang kunin." bigla kong nasabi.
"What the fudge!?" gulantang na tinignan ako nito.
"Bunganga mo naman Kuya." natampal ko tuloy yung bibig niya.
Nang medyo humupa na yata yung sakit ng ulo niya ay tiningnan ako nito sa mata. Shet ganda ng mata niya may pagka gray, siguro ay may lahi din ito.
"Hindi ko alam kung sino ako at kung ano ang pangalan ko Miss, wala akong maalala." naguguluhang sagot nito saakin for the second time around aba'y legit na nanlaki ang mga mata ko. Nalintikan na talaga.
"Nagugulantang ang utak ko kayo saglit, may amnesia ka, ganyan yung mga napapanuod ko sa telenobela pag nakikinuod ako sa mga barber shop. Jusko Kuya anong gagawin natin?" natataranta ko ng tanong dito. Kawawa naman ito at mukhang clueless na clueless siya. Mababakas ang pagkalito at pagkatakot sa mga mata nito. Naawa ako sa kalagayan niya kasi para siyang naliligaw na bata.
"Let me rest for awhile." sabi nito sa akin at kalmado ng muli.
"Kuya pasensya ka na ha kung dito kita dinala wala kasi akong bahay kaya dito lang muna tayo sa ilalim ng tulay. Hahanap muna ako ng pera. Babalikan kita dito baka makadelihensya ako ng pambili ng gamot mo." pagpapaliwanag ko dito.
Naka ambang tatayo na ako ng hawakan nito ang pulupulsuhan ko, napatigil tuloy ako sa ano mang gagawin ko.
"Don't leave me, natatakot akong mag-isa." natatakit at may pagsusumamong sabi nito sa akin, syet na malagkit dahil naawa at parang naging marupok ako ako ng makita ko ang mga mata nito bumalik ako sa dati kong pwesto. Tumabi ulit ako sa pwesto niya.
"Sige dito muna ako pero maya-maya kailangan ko talagang humanap ng pera at wala tayong makakain pag ganito. Promise babalikan kita, hindi ako mang iiwan basta-basta." pagpapaliwanag ko dito. Kumalma na ito at bumalik sa pagkakahiga sa higaan kong pinagpatong patong na mga limang karton.
Agad kong tinignan ang kabuuan niya pero agad na agaw ng pansin ko ang bracelet niya kulay ginto.
"Syet na malagkit Kuya tingnan mo yang bracelet mo." sabi ko dito at parang may magandang ideya na pumasok sa isip ko.
Tiningna niya din ito ng nagtataka. Agad kong hinila ng dahan dahan ang pulupulsuhan niya.
"Alam ko na ang sagot sa mga katanungan natin!" nagagalak kong turan sakanya at tinuro ko ng kanang hintuturo ko ang bracelet niyang mukhang legit na gold. May nakita kasi akong parang nakasulat sa bracelet niya baka nandun ang pangalan niya gusto naming dalawa malaman. Kasi kung ang magpapangalan sa kanya baka Bogarto ibigay kung pangalan eh mukhang di yun babagay sakanya at baka makutusan pa ako nito. Mukha naman siyang hamless este harmless mukhang di rin bayolente kaya nga nandito pa rin ako kasi kung bayolente siya ay baka nilayasan ko na siya kanina pa.
"Damn what a smart woman you are." nagigilalas na sabi nito ngumiti ako kasi nakarinig ako ng smart mukhang pinupuri niya ako.
Agad naming tiningnan yung gold na bracelet niya, at tama nga ako ng nakita may pangalan dito. Nakacursive pa nga buti nalang talaga nag-aral ako ng mabuti noon.
"Kuya hubarin mo muna iyang bracelet mo ng macheck nating mabuti huwag ka mag-alala pulubi ako pero hindi ako magnanakawa." sabi ko pa sakanya baka kasi mamaya makaisip siya na masama akong tao ay ekis na yun pag ganun.
"Hindi pumasok sa isip ko na magnanakaw ka." sinsero nitong sabi habang unti-unting hinihubad sa pulso niya ang ginintuang bracelet na sasagot sa tanong sa kung sino ba talaga siya.
"Thank you Kuya hindi rin naman talaga ako magnanakaw mabait kaya ako." nangigiti ko ng sagot sakanya tumango lang ito sa akin at ngumiti din. Gwapo niya talaga tyaka mukhang mabait pa kaya dahil diyan siya nalang first crush ko tutal wala pa naman akong nagiging crush sa tanang buhay na meron ako.
Sinipat naming mabuti yung bracelet niya at nakasulat nga doon ang isang pangalan ang nakalagay ay " Luther Levier A." tapos may nakalagay pa na "01-01-1995"
"Ayyy syet mukhang kailangan nating hulaan yung dulong A na may tuldok. Pinoy henyo ang peg pero ang gwapo ng pangalan mo sing gwapo mo." naibulalas ko nalang bigla. Honesty is the best policy yan natutunang ko sa elementarya.
"Maganda ka naman." sagot nito sa akin nakapagpapula sa pisngi ko. Umagang harutan ba ito.
"Hindi kaya yung A niyan ay Aruzcaldo, Adobo, Afritada syet na talaga." panghuhula ko pa sa pwedeng apilyido niya pero ang totoo niyan yung mga letter na binanggit ko ay mga pagkain na gusto kong tikman na siguro sa isang taon ay isang beses ko lang natitikman, pag may fiesta ayun nakikain ako.
" Gutom ka na ba?" malumanay na tanong nito sa akin agad akong napatango kasi legit na gutom na talaga ako nagkakagulo na nga mga bulate ko sa tiyan, joke lang wala akong bulate sa tiyan sadyang tumunog lang ito dahil sa gutom kagabi kasi ay hindi pa ako nakakain kasi nga sisingkwenta nalang pera ko at kailangan kong tipirin yun dahil wala naman akong raket ngayon pero dahil may sakit itong kasama ko maya-maya ay ibibili ko ito ng isang chicken noodles at dalawang itlog tapos makikihingi nalang ako ng bahaw sa kung kaninong kakilala ko.
"Oo Kuya gutom na ako at tiyak gutom ka na rin." sagot ko dito.
"Please don't call me Kuya." request nito sa akin at tingnan pa ako ng deretso sa mga mata ko.
"Kasi 28 years old ka na mas matanda ka sa akin ng limang taon. Pero hindi ka naman mukhang matanda na para ka ngang baby face, sanaol diba." pagpapaliwanag ko sakanya kung bakit tinawag ko siyang Kuya dapat nga pogi nalang itatawag ko pero dahil ayaw ko naman magmukhang feeling close ay Kuya nalang.
"Call me Luther or whatever you want, base sa pagkakaalam ko kung ito ngang bracelet ko ito ang sagot sa pangalan ko call me Luther." medyo mahabang sagot nito sa akin.
" Okay Kuy-- este Luther, ako naman si Amara Dimagiba 23 na ako halos labing tatlong taon na akong nagpapalaboy laboy dito sa kalsado sa isang salita isa akong pulubi napagkaitan ng kaginhawaan sa buhay pero balak ko din naman umahon sa lugmok na ito sa buhay. Ayaw kong mamatay ng mahirap kaya magsisikap ako para makamtan ko naman ang kaginhawaan ng buhay." mahabang litanya kumpara sa maikliang sagot niya sa akin.
"Amara, your name is as beautiful as you are. Naisip ko lang bakit hindi natin isanla ang bracelet ko na ito para magkapera tayo." natatalinuhang ko siyang tiningnan.
"Pero Luther yan nalang ang natitirang makakapagturo kung sino ka." nag aalinlangan ko pang sabi sakanya gusto ko mang pumalakpak sa sagot niya sa akin ay hindi ko magawa, hindi naman ako tusong tao.
"I don't mind na ibenta itong bracelet na ito kung may pamilya ako baka hanapin din nila ako ang mahalaga ay alam ko na ang initial ng pangalan ko. Let's sell my bracelet sa pawnshop."
Matapos ang mahabangdiskusyunan naminng dalawa napapayag niya din akong isanla yung bracelet niya.
"Miss may isasanla sana ako akong gold bracelet pakitingnan nga itong mabuti." abot ko dun sa babae dito sa sanlaan.
Nagningning ang mga mata nito ng makita ang gold bracelet.
"60,000 last price ang presyo na kaya kong ibigay." kalmado at naeexcite nitong sabi sa akin na ikinalaki ng mga mata ko sa isang bracelet ganun na ang halaga.
Lulutang lutang akong bumalik sa ilalim ng tulay dala ang 60K na nakalagay sa isang taut bag na nakita ko dati sa basurahan.
"60,000 ang binigay sa akin nung kahera Luther." sabi ko dito at inabot ng buong ang pera sakanya pero tinanggihan niya ako.
"Maghahanap tayo ng mauupahan na maliit na tirahan Amara." agad na kinalaki ng mga mata ko.
"Anong ibig mong sabihin diyan Luther?" nagugulantang na naman ako sa mga pinagsasabi ng lalaking ito.
"Ampunin mo ako Amara, let's live together. Ginayuma mo yata ako at sigurado akong na love at first sight ako sayo. Panagutan mo ako Amara." seryosong sabi nito sa akin habang matamang nakatitig siya mga mata ko bago pa ako makasagot sakanya sa sobrang bilis ng t***k ng puso ko dahil sa mga pinagsasabi niya ay hinimatay na ako. Syet na malagkit talaga.
Luther POV
"Pananagutan nga ba ako ni Amara at aampunin?" nasaisip ko habang inaayos ko siya ng higa dito sa higaan niya at mukhang dahil sa sobrang kagulantangan niya sa mga sinabi ko ay nahimatay na ito. Nag-alala ako ng husto mas nag-aalala pa ako kaysa sa katotohanang hindi ko maalala kung sino nga ba talaga ako. Sana pag nagkamalay na siya ay sagutin niya ang mga hinihiling ko sakanya. I want to live with her and be my woman.