Amara POV Medyo bumabait na sa akin iyong pinsan ni Luther ang ayaw ko lang kay Lucresia ay masyado itong clingy kay Luther buti nalang at hindi ako malisyosang tao dahil kung paiiralin ko lang ang parte ng utak ko na iyon jusko baka nasabunutan ko na itong si Lucresia. Wala lang naman kay Luther ang pagiging clingy ni Lucresia pero pag masyado ng nagiging touchy itong si Lucresia napagsasabihan na siya ni Luther. Tapos akala mo pa aso siya dahil wala na siyang ibang ginawa kundi ang bumuntot sa amin dahil kung saan kami nagdedate ni Luther lagi siyang sumusulpot in all fairness din naman sakanya malupit siya dahil nalalaman niya kung saan kami pumupunta. Nasabi rin sa akin ni Luther na pinahiram niya ng malaking halaga si Lucresia para sa kumpanya nila at wala naman akong masasabi ka

