Amara POV
Bilang pagpapasalamat ko sana kay Luther, ang aking sobrang gwapo at matipunong nobyo bibigyan ko sana siya ng halik sa pisngi pero dahil hindi ko alam kung anong mabuting elemento ang nag-adya ng mga pangyayari ay imbes na pisingi ay sa labi nito tumama agad akong nataranta sa lahat ng nangyari pero mukhang mas nataranta si Luther dahil dali-dali itong nagtalukbong ng kumot at parang shanghai na binalot niya ang kanyang sarili.
Samantalang ako'y tulala pa rin at pinoproseso ang lahat, kagula-gulantang din naman kasi ang mga nangyari kulang nalang lumabas sa ribcage ko ang puso ko sa bilis ng t***k nito. Aba'y syempre hindi ako papatalo binalot ko din na parang shanghai ang sarili ko sa kumot na binigay ni Lolo Telmo. Tiningnan kong muli kung nasaan si Luther nandito siya sa baba ng de kahoy na sofa pinagkakasya niya ang sarili niya mukha ngang lalong lumiit ang silid na ito dahil sa tangkad at laki niya.
Mula sa pagkakaestatwa nito dito sa babang pwesto niya ay dahan-dahan nitong nilabas ang ulo niya mula sa kumot na pinagbalutan niya ng sarili niya, tumingin siya ng deretso sa akin habang pulang-pula ang buong mukha niya.
"Love kinikilig ako but we need to sleep early dahil masama ang nagpupuyat. As much as I want to say what's on my mind right now ay hindi muna kasi grabe yung t***k ng puso ko. Goodnight Love, please dream of me." sinserong sabi niya sa akin at dahan-dahang tumayo at hinalikan ang noo ko at muli siyang nagtalukbong ng kumot niya na para bang kaya nitong itago ang pamumula ng mukha niya well kaya naman pero naririnig ko ang hininga niya at para siya nakamarathon.
"Goodnight Luther maraming salamat ulit sa lahat." tugon ko dito at inayos niyang maigi ang kumot na meron ako. Bumalik na din siya sa pwesto niya at nahiga ng muli. Buti nalang talaga ay binigyan ako ng Panginoon ng maginoong nobyo, worth it din pala ang paghihintay ko pero sa totoo lang hindi ko naisip sa tanang buhay ko na magkakaroon ako ng nobyo. Kahit wala sa plano kong mag nobyo ay masaya ako na si Luther ang nakilala at nakatagpo ko. Masaya ako na siya ang naging nobyo ko.
Pinikit ko ang mata ko at patuloy na nag-isip paano ba nama'y nag-aalala ako sakanya na imbes sana magpa ospital siya para matingan ay pinili niyang humanap kami na matitirhan. Sa tanang buhay ko ngayon ko nalang ulit naramdaman na safe ako bago at habang natutulog bukod sa mga dingding na parang poprotekta sa akin ay narito din si Luther na kasama ko.
Nang gabing iyon din ay payapa akong natutulog ganun na rin si Luther bagaman may mga agam-agam sa isip ko pero ipinagsawalang bahala ko ang mga iyon
.
Maaga akong nagising at ng tingnan ko sa lapag si Luther ay tulog pa rin ito hindi na nakatakip ang kumot sa mukha nitong sobrang nakakahalina. Ang gwapo niya pa rin kahit natutulog tapos ang haba pa ng mga pilikmata tapos ang pula pula pa ng labi, ehem napaubo tuuloy ako at iniwas ang mga mata ko sa labi niya. Lahat ata ng parte ng mukha nito ay walang di maganda pag masdan. Dahan-dahan akong bumaba ng higaan ko, iniiwasan kong maging siya at napaka aga pa.
Napagdesisyunan kong lumabas muna para bumili ng pwedeng iluto buti nalang talaga at may natirang pera pa sa alkansya ko. Balak kong ipagluto ng umagahan ang nobyo ko bilang pasasalamat at pag appreciate sa kabutihan niya sa akin.
Naglakad pa ako patungo sa isang pamilihan ng mahigit labin-limang minuto. Maaga pa naman kaya tiyak ay hindi pa iyon magigising at maganda ring ehersisyo ang paglalakad-lakad kumbaga double purpose ito nakapaglakad na ako bilang ehersisyo at nakapamili ng pwedeng lutuin.
"Ganda bili ka nitong sitaw ko, mura na at fresh pa. Sing fresh mo" tawag at pambobola sa akin ng Ale dito sa pamilihan. Pero mukhang legit din naman ang sinabi niya kasi fresh at maganda ako. Agad akong ngumiti sakanya pinakita ang mapuputi at matibay kong ngipin.
"Magandang umago ho, magkano ho iyang sitaw niyo?" magalang at magandang ngiti ko sa Ale. Syempre dapat umaga palang ay good vibes na ang ipapakita ko para tuloy-tuloy na ito hanggang mamayang gabi.
"Kinse lang ito ineng itong nakatali, bili ka na fresh ito sing fresh ng ganda mo." pagbibida niya pa sakanayang paninda namula tuloy ako ng pati ako ay pinuri niya.
"Sige ho Ale pabili po akong dalawa,pasamahan na din po ng toyo, maliit na isang pirasang sibuyas at bawang. Padagdagan na din po ng isang pork cubes. Salamat po." magalang na sabi ko pa sa Ale.
Nang mabili ko ang mga sangkap at dalawang kilong bigas ay nagmamadali na akong umuwi. Pero agad na lumagabog ang puso ko ng mapansin kong parang may sumusunod sa akin. Kanina ko pa din kasi nararamdaman na parang may nagmamatyag sa akin.
Huminga ako ng malalim at ipinagsawalang bahala nalang ito at baka mamaya ay guni-guni ko lamang ang mga iyon, sana nga dahil iba talaga ang pakiramdam ko dito.
Palapit pa lang ako sa inuupahan namin ng makita ko si Luther na hindi mapakali at tila ba may hinahanap.
"Luther!" pag tawag ko dito na agad na ikinalingon niya agad itong tumingin sa kung nasaan ako at malalaking hakbang na lumapit at agad ako nitong niyakap.
"Love akala ko iniwan mo na ako." narinig ko pang sabi nito. Rinig na rinig ko pa ang bilis ng t***k ng puso nito.
"Ha? Bumili lang ako ng pagkain natin tiyaka hindi naman kita iiwan Luther." mahinahon kong pagpapaliwanag dito.
"Love sa susunod mag iwan ka ng sulat kung lalabas ka o di kaya'y magkasama nalang tayong lumabas." sabi nito habang kinukuha ang mga pinamili ko at siya na ang nagbuhat.
"Opo sa susunod isasama na kita hindi ko lang napansin talaga ang oras kaya medyo natagalan ako." nakangiti kong banggit sakanya.
"I'll cook for us love maupo ka muna diyan at magpahinga." sabi nito habang inaayos na yung mga rekados na gagamitin sa pagluluto.
"Marunong kang magluto?" curious na tanong ko dito.
"Let's see love, mamaya ay husgahan natin kung marunong ba ako o hindi." nag wink pa ito sa akin na ikinasamid ko ng sarili kong laway. Agad ako nitong inabutan ng tubig.
"Thank you." sabi ko matapos inumin ang tubig na binigay niya.
"Wow masarap yung luto at mukhang mamahalin." namamangha kong sabi dito paano ba naman yung sitaw kanina na simple lang ay niluto niya ng kakaiba paraan at sa itsura itsura para lang parang niluto itong niluto sa mamahaling restaurants.
"Ako mamahalin kita until my last breath Love." banat pa nito sa akin ke aga aga naghaharutan na naman kami.
"Ako din Luther." nahihiyang banggit ko dito.
"Alam mo ba Luther kanina hindi ko alam kung maysado lang akong nag overthink pero parang may sumusunod sa akin." pagkekwento ko pa dito.
"What do you mean Love?'" nag-alalang tanong nito.
"Diba kanina namamalengke ako, may isang lalaking sumusunod sa akin at sa itsura palang niya parang sinundan niya talaga ako tyaka itsurang yayamanin yung lalaki Luther, natakot nga ako kaya dali-dali akong umuwi.
"Kaya hanggat maari ay dapat lagi kitang samahan. Hindi na natin alam kung gaano kapanganib sa labas." paliwanag nito.
"Luther may tanong din pala ako,wala ka pa rin bang maalala kahit konti lang?" tanong ko rito.
"Wala pa rin Love pero don't worry sasabihin ko pag meron na for now gusto kong ikaw lang ang isipin." nakangiti nitong sabi at hinawakan ang kamay ko na nasa lamesa.
"Siya nga pala Love napag isipan ko na kung ano ang gagawin natin sa natira nating pera, magtayo tayo ng carinderia."
"Wow ang galing sige gusto ko iyan, tutulungan kita jan. Ang galing at talino mo naman." pagpupuri ko sakanya ngumiti lamang ito sa akin.
Sa awa ng diyos naging matagumpay naman ang negosyong sinimulan namin siya ang nagluluto at ako naman ang nagseserve ng mga pagkain na niluto niya. Namamangha nga ako sa business strategy na ginagawa niya, bukod sa mura at masarap ang mga putahe na niluluto niya ay talaga namang dinadayo kami ng mga tao rito. Isang buwan na kaming magkasintahan at isang buwan na rin itong karinderya namin. Pero minsan naiistress ako dahil sa mga babaeng harap-harapang hinaharot ang nobyo ko.
"Pogi baka gusto mong itake home na din kita." maharot na sabi nitong si Bebang ang mananahi doon sa kabilang barangay na ewan ko ba at dito pa napiling mamimili kaysa dun sa malapit sakanila walang araw na hindi niya hinaharot itong si Luther.
"Hoy bebang tigilan mo iyang nobyo ko, akin yan hanap ka nalang ng ibang kerami-rami ng lalaki sa mundo gusto mo pa akong agawan." kalmado pero napipikon ko namang sabi sakanya. Napaka harot naman kasi.
"Asawa nga naagaw yan pa kayang boyfriend mo." pairap pa nitong bwelta sa akin. Konti nalang masasampal ko na ito.
"Miss wala akong balak magpa agaw, would you please respect our relationship. Mahal ko itong nobya ko, kaya pakitigalan ang paghaharot mo sa akin, it's not even effective." mahabang litanya ni Luther.
Agad na sumama ang mukha ng timpla ni Bebang at inirapan pa ako "Tseh, edi wag. Gwapo ka sana pero masyado kang loyal." nagmamadaling umalis ito sa karinderya namin.
"Kaya sayo lang ako marupok Luther, masyado mong ginagalingan. Love you so much." natutuwang sabi ko pa dito. Kinikilig din ako malamang kasi naman itong si Luther napaka romantiko mahihiya ang langgam sa sobrang sweet niya.
"I love you so damn much Love, sayo lang kakalampag at marupok." kinikilig na sagot nito sa akin.
Napagdesisyunan naming pumunta ni :Luther sa parke magpipicnic daw kasi kaming dalawa at date na rin dahil naka isang buwan na kami bilang magkasintahan. Aaminin ko may mga araw na nagkakatampuhan kami pero hindi naman ganun kalala at inaayos din namin agad kasi sa isang relasyon naman kailangan na magcompomise ang isa't-isa para mag work ang isang relasyon.
Dala-dala namin yung mga natirang ulam sa karinderya para dito sa picnic namin. Isang bagay talaga na napansin ko kay Luther ay ang husay nito sa pag hawak ng negosyo maabilidad at matalino siya sa lahat ng bagay.
"Ahhhhhhh." namimilipit sa sakit na sigaw ni Luther habang hawak ang ulo nito.
"Luther anong nangyayari? Anong masakit sayo?" naiiyak na tanong ko dito at natataranta na din nakaagaw na kami ng atensyon ng ibang mga nasa parke rin.
"Love, masakit yung ulo ko parang binibiyak sa sakit." mahina at pilit pinapatatag niya ang boses nito.
Agad ko siyang niyakap at nagpatawag ako ng tricycle.
"Kailangan na nating pumunta ng ospital Luther nag-alala na ako." lumuluhang sabi ko dito.
"Kaano-ano ho kayo ng pasyente Miss?" tanong ng doctor sa akin, habang si Luther ay nakahiga at natutulog na sa hospital bed.
"Nobya niya ho ako Doc. Kumusta ho ang resulta Doc?" sagot ko dito at kinakabahan ng husto.
"Napasama ang tama ng ulo niya at base na rin sa mga sinabi mo kaninang impormasyon ay may amnesia itong nobyo mo, at may nakita ako sa resulta niya per o hindi ko matukoy kung ano ito. I suggest na magpakunsulta pa kayo sa ibang doctor." pagbibigay impormasyon nito sa akin. Muli nitong tiningnan si Luther sa kinahihigaan niya at hindi ko mawari kung guni-guni ko lang ba pero parang nag smirk ito ng mapadako ang mata niya sa nobyo ko.
Napailing tuloy ako sa mga naiisip ko agad kong iwinaksi iyon, mukhang napaparanoid lang ako. Tama tama napaparanoid lang ako. Sa sobrang pag-aalala ko kay Luther ay kung ano-ano na pumapasok sa isip ko. Napabuntong hininga na lamang ako.
"Luther sana gumising ka na." tahimik na banggit ko.
Nakatulala ako habang hinihintay na magising si Luther, puno ng pag-alala ang puso ko. Bago pa man ang lahat ay parang may kakaiba sa doctor na iyon parang nakita ko na siya at may kamukha din ito. Agad akong kinilabutan ng maalala ko yung isang lalaki sa parke kanina na nakangisi habang tinitingnan ang nobyo ko na namimilipit sa sakit.