Amara POV Kung kanina si Luther lang ang nanahimik at gulat na gulat dahil sa balita ngayon may karamay na siya at ako iyo. Tahimik malala ang ganap naming dalawa ngayon, nasobrahan naman yata ang karma nung mga iyon at hanggang ngayon parehas pa rin kaming kinikilabutan ni Luther dahil sa kagimbal gimbal na balita na nalaman namin. Walang sinuman ang matino ang isip na kayang gawin ang kahayupan na iyon sa mga taong nabanggit sa balita, jusko grabe na ang krimen."Luther ipagdasal nalang natin mahuli na ang mga tao sa likod ng pagkamatay nila." sabi ko kay Luther bago ko siya bigyan ng tubig. Andito pa rin kami sa sala niya at habang naiisip ko ang mga sinapit nila ay nangingilabot pa rin ako, mamaya eh multuhin ako ng mga iyon dahil nga hiniling kong karmahin sila, hindi ko naman alam

