ABALA si Sendro sa loob ng Silid Talaan. Isinusulat niya ang mga nagdaang kaganapan sa Mirabilandia. Dahil siya ang kasalukuyang namumuno ay siya ang nakaatang para tipunin at isalin sa pahina ng talaan. Kung buhay pa sana ang kanyang anak na si Chrysiana ay baka ito na ngayon ang namumuno sa Mirabilandia. Ang nakaatang na responsibilidad ay naipasa na sana niya kay Chrysiana. Ngunit masyadong naging masalimuot ang pinagdaanan nila at ng Mirabilandia. Hindi hinayaan ng mahabanging langit ang buhay ng kanyang anak—hindi hinayaang mabuhay ito nang mas matagal. Kung may kakayahan lamang sana siyang malaman kung kailan ang oras ng buhay nila o ng isang diwatano/diwatana ay baka naagapan pa niya ang sandaling babawian ng buhay ang kanyang anak. Naiintindihan ni Sendro na ibinuwis ng kanyang an

