UMAYOS sa pagkakaupo si Sendro sa gintong upuan at inayos ang sarili para muling basahin ang talaan at hanapin na ang paraan upang mapuksa o mapigilan ang pagkalat ng itim na usok na sinisipsip ng batis. Masusing binasa ni Sendro ang mga nakasulat sa talaan. Nakalagay roon na kinakailangan niyang mangolekta ng mga bagay-bagay na naroon at iaalay sa batis upang mapuksa ng batis ang itim na usok na ngayon ay pinipilit nang talunin ang kabutihan mula sa kasamaan. Nang matapos basahin ay lumabas na rin ng silid talaan si Sendro at nag-utos ng mga diwatano upang maghanap ng nakasaad sa talaan. Ang isa ay inutusan niya na kolektahin ang mga buto ng unang Maharlikang-bughaw na ibinigay niya ang eksaktong lugar ng libingan ng kanyang ninuno. Ang ikalawa naman ay nakabase sa kanya. Ang ikatlo na

