NAG-IISIP na si Sendro ng paraan upang mahanap ang kanyang apong hinirang. Kinakailangan niyang mahanap ang apo sa lalong madaling panahon bago pa dumating ang takdang edad nito na kinakailangan nitong bumalik sa mundo ng Mirabilandia. Samantala, pagkalipas ng piging—ang pagdiriwang ay nagsipagbalik na uli ang mga mamamayan ng Mirabilandia sa kanilang mga tahanan. Si Sendro naman ay halos nalibot na ang lahat ng mga silid sa loob ng palasyo dahil kailangan niyang mamahala ng maayos. Kinakailangan na rin ni Sendro ang mating season o pagpaparami sa mga diwatano at diwatana na ginaganap lang sa magkasunod na tulog ang araw. May oras ang pagsiping sa mga asawa sa kanilang mundo. Hindi basta-basta may kapares o mga magkaisang dibdib ay puwede ng magkaanak dahil lahat ay naaayon sa batas n

