NAG-IISA at walang malapitan si Menendra. Ito ang kapalit ng kanyang kasamaan. Panglalait mula sa Mirabilandia hanggang dito sa mundo ng mga mortal. Nanunuot ang lamig sa kanyang kalamnan at mga buto. Tila anumang oras ay papanawan siya ng ulirat. Walang kain, walang tulog at isa na siyang ordinaryong nilalang sa mundo ng mga tao. Tila isa na rin siyang mortal na walang silbi. Hindi na kaya pa ni Menendra ang tumayo. Hinang-hina na ang kanyang mga binti, tuhod at halos buong katawan. Ito pala ang pakiramdam ng walang kapangyarihang at isang mortal. Sa pagpikit ng kanyang mga mata ay kadiliman lang ang kanyang nasasaksihan kasunod ang malakas na buhos ng ulan at galit na kalangitan na tila nais siyang isumpa. Sa pag-aakala ni Menendra na siya ay nawalan ng malay o patay na. Iba na ang k

