NASA kalagitnaan ng paglalakad si Menendra nang gabing iyon na hindi niya alam na iyon ay gabi sa mundo ng mga tao. Bahagya pa nga siyang nagilalas nang makitang bumaba ang kalangitan. Kahit anong tanaw ni Menendra o hanap sa araw ay wala na iyon sa kalangitan. Nagtatakang pinagmasdan lang niya kung paanong nawala ang araw sa kalangitan. Na-realized ni Menendra na ito pala ang mundo ng mga mortal, ibang-iba sa mundo ng Mirabilandia. Wala silang paglubog ng araw. Natutulog lang ang kanilang araw na ibig sabihin ay kailangan na rin nilang matulog pagpikit ng araw. At hindi katulad sa mundo ng mga mortal—na dumidilim ang paligid at napapalitan ng bilog na bagay na nagbibigay liwanag sa kalangitan. Ito ay ang buwan. Tinitigan lang ni Menendra ang kalangitan habang naglalakad. Hanggang maka

