AKALA ni Menendra ay mae-enjoy na niya ang pagpaslang ngunit iba pa rin kapag pinahihirapan ang mga ito. Mula sa kanyang matalas na mga kuko ay malakas na kinalmot niya ang dibdib ng mga ito upang makakuha ng laman at dugo na naipon sa kanyang mga kuko. Nakaisip ng paraan si Menendra kung paano niya mababago ang pangit na mukha. Nilakad ni Menendra ang lugar na iyon. Tila isang kagubatan ang pinagdalhan sa kanya ng tatlong lalaki. Mukhang malayo iyon sa kung saan siya naglakad ng malayo. Huminga nang malalim si Menendra, kinukuha ang lakas habang naglalakad upang makalayo sa lugar na iyon. Kailangang niyang magsimula ng bagong buhay at gawin ang misyon upang sa lalong madaling panahon ay makabalik na siya sa Mirabilandia. Ilang oras din ang inabot ng kanyang paglalakad upang matagpuan

