IKA-DALAWAMPUNG PATAK

1893 Words

“GRABE pala ang nangyayari dito sa ating baryo, Menendra,” nahihintakutan nitong sabi saka mabilis na pumasok sa loob ng bahay ang matandang lalaki. Nagkibit lamang ng balikat si Menendra. “Maaari mo bang kuhanan ako ng maiinom. Nanunuyo na ang aking lalamunan,” sabi pa ng lalaki sa kanya. Ito ang unang beses na may nag-utos sa kanya dahil noong nasa Mirabilandia siya ay hindi siya nauutusan kahit sinumang nilalang. Siya lamang ang may karapatang mag-utos sa kahit sinong nilalang sa Mirabilandia, lalo na ang mga mababang uri ng mga diwatano o diwatana. Ngayon ay ibang-iba na. Ramdam na ramdam na ni Menendra ang malaking pinakaiba. Hindi na siya makapag-utos. Mistula siyang basahan at mukhang siya ang alila sa mundo ng Mirabilandia. Sumilay ang kakaibang ngisi sa mukha ni Menendra. Pag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD