IBINABA na lang ni Juniel ang ulo nang siya na naman ang paborito ng mga kapwa bata na kasamahan upang ma-bully. Wala siyang ligtas sa mga pang-aasar ng mga ito. Mabuti na lamang at palagi siyang pinagtatanggol ni Mother Superiora Alonza dito sa Golden hands haven Orphanage. Walang kinagisnang magulang o pamilya at tanging nag-alaga at nagpaaral sa high school ay ang madreng namamahala sa ampunan. Napakabuti ng mga ito sa kanya. Kaya hindi rin niya alam kung paano magagantimpaalan ang kabutihan ng mga ito sa kanya. “Mag-igib ka pa ng tubig! Huwag kang titigil hangga’t hindi natatapos,” sabi ng isa sa mga madre. Ito ang masungit na madre. Napapikit na lang si Juniel at nagpatuloy sa pag-bomba ng poso. Iyon ang kinukuhanan nila ng pang-inom. Gusto pa sana niyang magpahinga galing sa eskwel

