GUSTO rin sanang lumabas ni Juniel nang makitang nakapila ang mga bata sa hallway para pagpilian ng mag-asawa na aampon ng isang bata. Mag-isa lamang siya sa kwarto. Masyado na rin siyang matanda para ampunin. Nasa Obando, Bulacan sila sa Sitio Delfin. Parang malayo sila sa kabihasnan dahil medyo malayo rin siya sa bayan. Malayo sa siyudad ngunit alam niyang mararating din niya iyon. Edad sampung taon pababa lamang daw ang pagpipilian kaya hindi na umaasa si Juniel na mapipili siya. Dumating na rin kanina ang donation. In kind at may mga damit din. Iyong mga damit na lamang ang pinagkaabalahan ni Juniel. Tira-tira na lamang iyon matapos mapagkuhaan na ng ibang mga bata at kung ano ang naiwan ay siya na lamang ang ibinigay sa kanya. Iniangat ni Juniel ang damit na nadampot niya sa karto

