bc

BRIDE FOR COLD HEARTED CEO

book_age16+
1.4K
FOLLOW
8.4K
READ
mystery
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Hindi naging madali ang buhay ni Stella na kinailangang pakasalan si Tyler alang alang sa kanyang nanay na may sakit. Nang ikasal sila, itim na gown ang pinasuot ni Tyler kay Stella dahil napipilitan lamang itong magpakasal kahit na alam niyang mahal pa rin niya ang kanyang namayapang asawa na si Coleen.

Subalit matapos ang kasal, kinidnap ni si Stella at nawala ang memorya nito, dahilan para paniwalain siya ng Mafia king na si Marco na silang dalawa ang magkasintahan at siya ang tatay ng dinadala niya.

Matuklasan kaya ni Stella ang totoo sa kanyang pagkatao o magiging huli na ang lahat?

chap-preview
Free preview
DEAL OR NO DEAL?
STELLA POV Napatingin ako sa computer, naka focus ang mga mata ko sa picture ng boss sa harapan ko. Napa unat ako saglit sa maliit kong office. Noong una ko itong makita, sobra akog kinikilig. Pero ngayon, takot na ako sa boss ko dahil palagi niya akong pinapahiya. But this time, kailangan ko pa ring subukan. Kailangan niya akong matulungan sa malaking problema ko. Ang layunin ko ay ang matulungan ang nanay kong may sakit na nangangailangan ng mahal na operasyon. Ang sabi kasi ng nanay ko, pangarap daw niyang masaksihan ang kasal ko at mabigyan ko siya ng apo. Kaya kailangan mapapayag ko ang boss ko na tulungan ako dahil siya na lang ang pwede kong malapitan. Sayang talaga yung lalaking naka hook up ko noong nakaraan, mayaman at gwapo sana siya kaya lang kailangan daw niyang videohan ang s*x naming dalawa. Hindi ako pumayag at sinampal ko talaga siya bago ako umuwi. Tumunog bigla ang telepono at inalis ako nito sa aking imahinasyon. Nakita ko na si Tyler ang tumatawag, siya ang boss kong masungit at galit sa mga tanga. Mabuti na nga lang talaga at hanggang ngayon, di niya ako naiisipang tanggalin sa trabaho. Nawala ang paghanga ko sa kanya habang ipinakita niya sa akin ang kanyang tunay na kulay sa pamamagitan ng pagsigaw sa akin, pagbibigay sa akin ng mga utos, at pagpapahirap sa akin sa walang katapusang trabaho at pagbibigay sa akin ng maikling deadline para gawin ang mga ito. "Stella?" bungad niya sa akin, nakaka destruct talaga ang malalim pero malamig niyang boses. "Yes Sir!" mabilis kong tugon sa kanya. "I want you to come to my office," deretsahang sabi niya. Pinatay niya kaagad ang telepono bago pa man ako makapag respond. "Ang sungit talaga ni Sir," bulong ko sa sarili ko. Humarap muna ako sa salamin ko at tiningnan ko ang hitsura ko. Mukhang presentable naman akong tingnan kaya walang problema. Tumayo ako at naglakad papunta sa kanyang office, nang nasa harapan na akong office niya, napabuntong hininga ako ng malalim. Ito na ang pagkakataon ko para magsalita sa kanya. Pero kung sakaling di siya pumayag, baka tuluyan na akong sumuko. Isang mahinang katok ang binitawan ko at kaagad akong nakarinig ng response sa kanya. "Please come in." Pumasok ako sa loob at nakita ko siyang seryosong nakatingin sa kanyang laptop. It seems like may sobrang importante siyang ginagawa. Napatingin na lang ako sa upuan, ayaw kong umupo hangga't hindi niya sinasabi. "Please have a sit!" Salamat, akala ko ay patatayuin niya ako habang naghihintay sa kanya. Naupo ako at nakita ko na maraming mga pending documents na nakalagay sa gilid ng table niya. Mukhang marami rami pa siyang trabaho na kailangan tapusin. "Okay," sambit niya matapos ang ilang minuto ng pananahimik. Napalingon ako sa kanya bigla. "Yes Sir, bakit niyo po ako pinatawag?" kabadong tanong ko. Napasandal siya sa upuan bigla, "I seriously don't like the taste of the coffee you made earlier. Papatayin mo ba ako sa asukal?" "Ay," napatakip ako ng bibig. Lutang na lutang kasi talaga ako kanina. "Sorry Sir..." Gusto kong matawa sa kagagahan ko pero kailangan kong pigilan ang tawa ko sa harap ni Sir Tyler. Baka isipin niya na ini imagine ko siya habang iniinom ang kape niya. "Yun lang. Next time, I want pure black coffee and make sure na mainit yun kapag ininom ko. That's all, makakabalik ka na sa area mo." Imbis na tumayo ako, nanatili akong nakaupo at naka lock ang mga mata ko sa kanya. "What? Do you still need something from me? Because I've got a lot of work to do," sabi niya na lumabas ang kanyang English accent. "Sir... alam mo ko po na sobrang busy kayo pero may importante lang po akong kailangan sabihin sa inyo." "And what is it?" "Nasa hospital po ang nanay ko at kailangan ko po ng malaking pera para sa operasyon niya. Kailangan ko pong mag bigay ng down payment para sa kanyang operasy-" "How much money do you need right now?" "100 thousand po through company loan. And kailangan ko na po sana within this week ang pera, kung di baka lalo pong lumala ang kondisyon ng nanay ko. Sorry for the late advice, everything happened unexpectedly lang po." "What? A company loan takes a month or so before it is approved. And given your salary per month, you can't possibly borrow that amount of money," para pa siyang nang iinsulto sa tono ng boses niya. Nang marinig ko ang sagot mula sa bibig ni Sir, gumuho kaagad ang mundo ko. Tila kahit maging ang kumpanya na pinag trabahuan ko ng ilang taon ay di ako matutulungan. Gusto kong umiyak sa harapan niya pero ano ba ang magagawa ng pag iyak ko sa harapan ng boss ko na mayroong pusong bato? Sumandal siya sa upuan niya at binigyan ako ng seryosong tingin. Pinag masdan ko ang kanyang mapupulang labi, ito ang magbibigay sa akin ng sagot sa tanong ko sa kanya. "Sige, tutulungan kita sa problema mo." Halos mapalitan ng ngiti ang lungkot sa aking mga mata. Sa wakas, madudugtungan na rin ang buhay ng aking ina. Nag uumapaw ang saya sa puso ko sa mga sandaling ito. "Maraming salamat po Sir Tyler, pramis mas lalo ko pong pag iigihan ang trabaho ko." "But I have one condition," tumayo siya at naglakad papunta sa pinto at sumandal. Sinundan ko siya ng tingin. Sana naman ay madali lang ang kondisyon na hinihingi niya sa akin. "At anong kondisyon po ito sir?" tanong ko, sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, kumabog ng malakas ang dibdib ko sa kaba. Ang mga titig kasi niya sa akin, parang tagos ito sa buto ko. "Since galing sa sarili kong bulsa ang ibibigay kong tulong sayo, simple lang ang gusto kong maging kapalit. I want you to be my wife." "A-asawa?" halos manlaki ang mga mata ko sa gulat, paano niya nasabi na simple lang ang kanyang gusto kung ang hiling niya ay maging asawa ako? "Oo tama ka sa narinig mo. Actually, not my real wife... magiging asawa lang kita sa loob ng six months. Kapalit nito, ako ang bahalang tumulong sa nanay mo na may sakit. Lahat ng gastos sa hospital, ako ang mag sho-shoulder. So, take it or leave it?"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.7K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
20.2K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.6K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.9K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
15.0K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.1K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook